VIII.

23.8K 866 155
                                        




K


"Another shot for K!!!" Nagtaas silang lahat ng shot at nag-cheers bago tinungga ito ng mabilis. Natatawa pa si Prim pagkatapos niyang i-shot 'yun at si Gen naman ay as usual may kausap na kung sinu- sino na parang kinukulit nanaman niya. Si Vero naman ay nagpho-phone, tila may kinakalikot sa phone dahil sobrang focused nito.

Napagpasyahan naming apat na mag- bar malapit sa university. Dito madalas nagchi-chill ang mga estudyante ng Bridgett University bukod sa malapit ay talagang para sa mga students ito ng university. May mga shops and stores din na halos kapangalan ng university; like partnership or something. Parang Bridgett Village na nga ang buong lugar kung tutuusin dahil halos lahat ng makikita ay connected sa Bridgett University.

"Why didn't you take your shot K?" Takang tanong ni Prim habang may naka-akbay sakanya na lalaki. Hindi ito taga- Bridgett. I know because I'm always familiar with people's faces once makita koi to. Yuck Prim. Kahit kailan talaga ay ang baba ng taste mong babae ka. Kung kani- kanino ka na lang sumasama.

I stared at them intensely and nag- focus na lang ako kay Prim. I didn't mind the guy whose arm is currently snaked around Prim's. Hanggang dyan ka lang sa pinsan ko lalaki ka or you'll see what you're looking for. "We agreed to drink. But I don't get it why do you all have to take a single shot for me? Anong meron?" Mataray kong tanong.

May mangilan- ngilan din kaming kasama na mga students ng Bridgett. Alam ko ang mga mukha ng iba pero hindi ko alam ang mga pangalan. Like I care. Ang mahalaga ay kilala nila ako. Tapos.

Tumawa naman si Prim na tipsy na agad. "What the hell K! Pati ba naman saakin na pinsan mo ay naglilihim ka?" I stared at her doubtful. "Congrats cous for being in a relationship with the famous jerk Jason Iñigo Pangilinan." Muntik ko nang mabasag ang hawak kong shot glass at diretso ang tingin ko kay Prim.

"Yes congrats Katarina. I knew it! I knew na kayo ang bagay para sa isa't isa." Sabat naman ng isang babae na hindi ko alam kung sino. Basta ang alam ko ay sobrang kapal ng lipstick nito at eyeliner. Talk about fashion. Damn it.

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo rin pala si Jason, Katarina. Sinasabi ko na nga ba at mahuhulog ka r-,"

Some girl stopped talking when I glared at her. Well, we're not friends bitch. Stop talking to me like we're close friends. Ibinaba ko ang shot glass ng pabalang at wala na akong paki kung tumapon man ang tequila na laman non.

Since when did I get in a relationship with that asshole?

Hinawakan ko sa braso si Prim at tiningnan ng masama ang lalaking naka- akbay sakanya. Madaling tinanggal nung lalaki 'yung pagkaka-akbay sakanya at tumayo upang iwan kaming dalawa.

"I'm just going to get more shots, yeah baby?"

Muntik na akong masuka sa endearment nila. So lame. She lets this guy call her some stupid endearment? Just oh my God Primrose San Juan! "Ulitin mo nga ang sinabi mo Prim."

"Why the hell are you being an ass K? Mag- enjoy ka nga! Kayo na ni Jason and for sure you'll have great time with him." Binatukan ko nga siya. "A-aray! Ano ba Katarina Rachelle San Juan!"

"Hindi ka-,"

Hindi ko na naituloy ang kung anong sasabihin ko dahil biglang tumahimik ang dance floor ng bar at napunta ang atensyon ng mga tao sa kung sinong pumasok. Dahil medyo nakakahilo ang lights ay hindi ko maaninag kung sino iyong pumasok. Hindi ko na lang binigyang- pansin at itinuon ang tingin kong muli kay Prim. Pero ang buong atensyon nito ay nakatuon din sa kung sinong pumasok.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now