III.

23.3K 788 86
                                    

K


"Who gave her the right? Who gave that bitch a fucking right to act like that in front of me? Just because I actually talked to her doesn't mean I gave her the right!" Ito ako ngayon at patuloy sa pagsasalita mag- isa habang ang mga kaibigan ko ay nakapaligid lang saakin at nakikinig. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. May nahawakan akong notebook ata 'to o libro at bigla ko na lang nilapirot at binato sa kung saan.

"Rina, calm down." Pagpigil saakin ni Prim. "Don't let your emotions control you."

Tumitig ako sakanya. "How the hell will I calm down when she acted like that in front of many students who are as stupid as her? Baka akalain ng mga estudyante rito eh kayang- kaya ako ng babae na 'yun! Bah! That bitch! She won't get away with this."

Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko napagpasyahan makipag- usap sa babae na 'yun sa totoo lang. Nagulat lang kasi ako noong unang beses na nakita ko siya with Vero, it seemed like they're really close. Vero doesn't normally like people she meets, pihikan siya sa pamimili ng kaibigan and honestly speaking, that girl took my curiousity out. Mas lalo akong nagulat na magkaklase pala kami sa isang subject. Late siya ng halos kalahating oras at mukhang hinihingal pa. Hindi nawala sa isip ko ang ideya na bago ang mukha niya. Transferee ba ito? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat that this university has some sort of this tradition that every transferee should experience being bullied and almost a month of hell.

Hindi ko alam kung saan talaga nagsimula, pero sabi nila it started when I first did it with a transferee. She was a girl at ang kulit niya dahil dikit siya ng dikit saakin akala mo ay close kami. I remembered, she even offered me cookies, siya pa raw ang nag- bake. I did what I did. Binuhos ko sakanya 'yung mga cookies na 'yun and almost half of the student body were watching.

At doon nagsimula. Her life became hell. Until she decided to leave the university. I've never seen that poor girl ever since. The hell I care anyway!

She said she got back after a year of break. So nag LOA pala ito? Pero nakakapagtaka lang talaga na bago ang mukha nito at kahit kailan ay hindi ko pa nakikita. Imposible naman iyon.

Tinanggal ko ang ideya na 'yun sa utak ko. Ah basta! Galit ako sakanya. I'm hella furious right now and I'll do anything to release this anger at her!

"Oh, mukhang may binabalak ka na diyan ha?" Genevieve noticed. Hindi ko na lamang siya pinansin. Si Prim ay pinsan ko at itong si Genevieve ay naging kaibigan ko lang thru Prim at friends din naman sila ni Vero. "You might start a new tradition."

I stared at her in confusion. "Diba, you started the tradition sa pagbubully ng mga transferees? Baka pati 'yung mga naglo-LOA eh i-bully na rin pag nagkataon."

Nabasa pala niya ang laman ng utak ko. Well. "I don't care. I need to get my revenge. I'm willing to do anything to get my revenge on her!" Pagalit kong sabi at binuksan na ang pinto para lumabas sa private room na iyon na para saamin lang magkakaibigan.

"Where are you going?"

"You don't have to know."


Sinara ko na nang pabalang ang pinto. Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket ko at nag-dial ng number.

Sinagot naman ito agad ng kakausapin ko.

"Yes, our queen, ano pong maipaglilingkod namin sa iyo?"

"I need you to take full responsibility of my revenge on this girl."

"What's the name, our queen?"

"Andrea Michelle Ruiz."

"Ah! Kilala namin ang babae na 'yan our queen. May mga na-post ang mga estudyante na videos kung paano ka halos matumba dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso niya."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now