XXVII.

14.1K 493 50
                                    


A


Pagkapasok na pagkapasok ko ng Bridgett ay nagulat pa ata si kuya na guard na bantay habang hawak pa rin ang cellphone niya. Sa tuwing nakikita ko talaga 'to ay biglang napapahawak sa phone niya at parang may kinakalikot pa ata. Hindi ko na lang muling pinansin pa ang pagiging weirdo nito palagi kapag papasok ako ng Bridgett.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa Bridgett ay nagulat pa ata ako na hangin lang ata ang naririnig ko. Himala! Pucha! Ang tahimik sa Bridgett. Totoo ba 'to?! Wahahaha!

May mga sariling mundo ang mga estudyante pero kaunti pa lang ata ang nakikita ko sa mga oras na 'to na napaka- imposible dahil hindi naman ako sobrang- aga pumasok. Teka nga, baka nga siguro sobrang aga ko pumasok.

Pagtingin ko sa relo ko ay hindi naman. Sakto lang ang oras, sigurado akong marami na ang nauna dahil may mga first class pa sila. Habang naglalakad ako ay wala pa akong nakikitang alagad ni bruha na naglalakbay sa paligid. Aba! Mukhang absent pa ang buong fans club ni bruha. Mukhang swerte talaga ako ngayong araw!

Nagpasya akong dumiretso na lang doon sa private place ni bruha. Tutal, siguradong mas tahimik doon at walang manggugulo dahil walang kung sinuman ang nagtatangkang pumasok sa lugar na iyon. Ako lang. Hahahahaha!

Kahit wala pa akong napapansin sa paligid na parte ng fans club ni bruha ay hindi ko pa rin maiwasang ang tumingin- tingin sa kaliwa't kanan habang naglalakad ako. Baka biglang may sumulpot. Aba! Mahirap na!


"Andrea Michelle Ruiz."

Hindi pa man ako nakakapasok ay ayun na nga. Hindi ko muna ito nilingon at inisip ang sinabi saakin ng nanay ko kanina lang bago ako pumasok. "Mag- iingat ka, lapitin ka pa naman ng kapahamakan." Foreshadowing ata. Pucha!

Nilingon ko na ito at hindi nga ako nagkakamali. Isa ito sa fans club ni bruha, kung hindi ako nagkakamali ay ito ata ang leader nila? Captain? Ewan, basta! Wala naman din akong pakielam.

Nanatili lang naglalaban ang tingin namin at siya na ang nagpasyang bumasag ng katahimikan. "Hindi ka pa rin ba natututo?"

"Natututo saan?" Sagot ko.

"This place is for Ms. Katarina and for her alone. Sigurado akong alam mo na ang bagay na iyon. We made it clear for you, didn't we?" Halata na iritado ang boses nito at parang sasabog na sa galit, base sa mga mata nitong nakatingin saakin.

Hindi ko pinasya pang lumapit. "Ah sige. Hindi na ako papasok pa." Matapos noon ay ngumiti. Nginitian ko ito kahit mabilis at peke lang.

Bago pa man ako tuluyang makaalis sa lugar na iyon na para kay bruha lamang ay may humarang agad sa dadaanan ko na tatlong mukhang fans din ni bruha; dalawang lalaki at isang babae.

"Saan ka naman pupunta? Tapos na ba tayo mag- usap?" Salita muli nung kausap ko lang kanina.

Ngumiti naman 'tong tatlong humarang sa daanan ko.

Isa pang ngiti, tatamaan kayong lahat.

Biro lang! Hahahaha!

"Wala ba kayong mga klase?" Tanong ko. Tumawa silang apat at nanatili lang naka- kunot ang noo ko sa pagtataka. May saltik ang iniidolo eh malamang may mga saltik din ang bumubuo ng fans club ni bruha.

Lumapit ang babaeng pinapagitnaan ng dalawang lalaki na humarang saakin. "What's it with you if we have? Loser." At tinulak ako nito sa may bandang balikat. Pucha! "You know what, hindi ka talaga nadadala eh no? You still have the guts huh."

K A T A R I N A (•GXG•)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz