45.

16.8K 522 84
                                    


K



Nagising ako nang wala akong katabi. Ugh. Ang bigat ng katawan ko. Hindi ako makagalaw nang maayos, parang ang sakit ng katawan ko. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakikitang anino ni Andrea. Speaking of Andrea...biglang nag- flashback saakin lahat nang nangyari.

Oh my God!

Oh my God! Oh my God!

Was it not a dream? Kaya ba masakit ang katawan ko hanggang ngayon dahil totoong nangyari iyon? Fuck! Damn it! Stupid! Stupid! Totoong nangyari lahat ng iyon. Oh God! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sakanya?

Kahit na parang pagod pa at ang bigat bigat ng katawan ko ay mabilis din akong tumayo at naglakad patungong banyo. I'll clean myself first. For sure nasa labas na silang lahat at nag- uusap- usap na. Damn that stupid! Hindi man lang ako ginising? At talagang lumabas nang hindi ako kasama? Matapos 'yung nangyari saamin? Iiwan nanaman niya ako? Damn you. Urrrghhh! Damn you Andrea!

Hindi mawala sa isip ko ang kung anu- anong pinaggagawa niya habang nagsha- shower ako. Pati 'yung mga sinasabi niya. Ugh. Bakit ba hanggang ngayon naiisip ko pa rin? Nangyari nanaman iyon!

Because you want to feel it again....Katarina.

Shut up! Shut up! Shut up!

Tinapos ko na rin ang pagligo at lumabas na ng shower nang naka- robe.


"K-Katarina..."

Nagulat ako nang may marinig akong boses at muntik pa akong madulas nang masalo ako ni....walang iba.....kung hindi ang babaeng kanina pa sumasakop sa isip ko. Nasalo niya ako at hawak- hawak niya ako sa likod at bewang ko. She's staring at me intently.

I immediately blinked and escaped from her.

Lumayo din ako nang mabilis sakanya. "W-What are you doing here?" I managed to ask.

"Dinalhan kita ng pagkain. For sure gutom ka na."

"Hindi ako gutom. Alis." Pangtataboy ko sakanya pero ang totoo ay nagugutom na nga ako. Gusto ko lang siyang umalis muna dahil hindi ko kinakaya ang presensya niya.

But she didn't go. "Impossible. Hindi ka nakapag- lunch. 6pm na. Kanina ka pa tulog."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. What?! Gabi na?! Tiningnan ko ang phone ko at totoo nga ang sinasabi niya. Kanina pa ako tulog?!?! Was I that...?

"Napagod ka ba?"

She asked, too innocent, gusto ko siyang sapakin.

Paano niya ako nakakausap ng sobrang casual kahit kakatapos lang nangyari saamin? Ni- hindi ko nga siya matingnan sa mata dahil nahihiya ako!

"Ginising kita kanina pero tulog ka talaga. Napagod ka nga siguro..." Patuloy pa rin sa pagsasalita nito. "Ang cute mo nga matulog. Kumain ka na muna. Dito lang ako."

Sa wakas nagawa ko siyang tingnan. Nagawa kong salubungin ang titig niya. Nagtatanong ang ekspresyon ng mukha niya. "Tigil tigilan mo nga ako Andrea. Ang sabihin mo, pinuntahan at nakipag- usap ka lang sa babae mo." Pagtataray ko sakanya.

Dahan- dahan siyang naglakad papalapit saakin.

"Of course not. Hinihintay lang talaga kitang magising. Inaya lang ako sa labas nila Gen at Prim. Nagtataka nga sila, ang sinabi ko na lang ay nakatulog ka at pinanuod muna kitang matulog bago ako lumabas ng kwarto mo."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now