K
"K!"
"Ohmygod K ang ganda ng umaga oh nakasimangot ka?"
Nakasimangot talaga ako. Paano ba naman ay hindi ko nakasabay si Andrea sa pagpunta mismo sa resort nila Vero. Ang dahilan niya ay mamaya na lang daw niya sasabihin pag nagkita na kami mismo dito. That stupid! Nabibwisit talaga ako sakanya! Siguraduhin niya lang talaga na hindi ako mas mabibwisit sa kung anong dahilan niya!
Inakbayan ako ni Gen at tumingin sa langit. At nasilaw. Idiot! Ang taas- taas ng araw. "Nakita mo ba yun K? Ang ganda ng sikat ng araw para saatin. Tapos sisimangutan mo lang? Mygosh! Ano bang problema mo ha?"
Prim was already eating something as she approached the both of us. "K, I'm telling you this is gonna be a good day for all of us okay?"
Hindi ko na lang sila pinansin dalawa at dumiretso na sa loob, aayusin ko na lang ulit ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang phone ko, may tatlong texts at dalawang missed calls mula kay Andrea. Like hell I care! Mabulok 'yang mga texts at calls mo! I don't care!
Hindi man lang muna ako dinaanan, pwede naman akong isama muna sa kung anong gagawin niya! Ugh! Stupid! Stupid! Nakakainis talaga!
Biglang bumukas ang pinto. "K! Masira naman 'yang unan!" Si Gen iyon, gulat na gulat ang itsura.
Hindi ko napansin na ang napagdidiskitahan ko na pala ng inis ay ang unan. Hindi ko pinansin si Gen at inayos ko na lang ang unan. Matutulog na lang ako, bahala silang magsaya. This is a boring vacation anyway.
"Anong gagawin mo? Matutulog? Kakarating lang natin!"
I shrugged her off. "Leave me alone. I'm tired."
"Ahhh so hahayaan mo sa chix sa labas 'yung girlfriend mo?"
My eyes widened and immediately umalis ako sa pagkakahiga at tumayo. Hinawakan si Gen sa magkabilang balikat.
Gulat muli ang mukha nito at tumigil sa pagnguya- nguya. "Who the hell are you talking about?"
"'Yung girlfriend mo....may baon na chix." Tumawa pa ito nang bahagya. I arched an eyebrow na parang pinapaulit ang sinabi niya. "Si Andrea may kasama ngang chix. Kung ayaw mo maniwala sige magkulong ka dito at hayaan mong papakin ng ibang babae ang girlfriend mo."
"Sinasabi ko sa'yo Gen, sasapakin kita kapag pinagtitripan mo ako."
Tumawa si Gen nang lumabas na kami ng kwarto. "Eh paano kung hindi? Libre mo 1 week trip ko sa Germany?"
"Wala ka bang magulang?"
"Ewan ko sa'yo. Wala na kasing nagmamahal saakin. Ikaw na lang K."
Inirapan ko ulit siya habang naglalakad kami. "Shut up with your illusions."
"Makapag- salita 'to. Parang hindi tayo matagal nang magkaibigan ha?"
Nakabalik na kami sa may labas at hindi ko makita si Andrea at kung sinong babaeng kasama nito na sinasabi ni Gen. Luminga- linga pa ako sa paligid, kasabay ko si Gen. "Nasaan? Ituro mo saakin. Wala akong makita. Hindi ko siya makita."
"Wait...andyan lang sila kanina eh..."
"K! Gen! Here!"
And there she is. Totoo ngang may kasamang babae si Andrea. Pero hindi naman totoong chix. I don't think she's even pretty to begin with. Ano bang pinagsasabi ni Gen na 'to? Sinalubong ni Andrea ang tingin ko na may kasamang ngiti pero nung napansin niya na hindi maganda ang araw ko at nakasimangot ako ay nabura din ang ngiti sa mukha niya.

YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...