XXV.

19.5K 648 149
                                        

Dadaan lang ang hangin: KATARINA. Hindi Katrina ang pangalan ng isa saating mga bida. Salamat po. Mag- enjoy sa pagbabasa at pagbuo ng mga teorya sa isip. Sasagutin din natin at bibigyang linaw ang mga iyan. ~resident hangin flies away~



A


Sa wakas natapos din sa research na 'to. May ilang araw pa naman pero tinapos ko na agad para ibigay na lang kay bruha. Bahala siya! Siya na ang magpasa. Aba't! Ako na nga ang tumapos ha. Ako pa rin ba ang magpapasa. Hindi niya ako binabayaran dito ano! Mamamasahe pa nga ako para dalhin lang 'to sa bahay niya eh. Pag- aralan niya na rin, nakakahiya naman kung mababa ang grado eh saakin ang buong sisi. Bwahahaha! Hindi ko rin malaman kung bakit dalawa ang pinagawa ni Prof. Sig pero hayaan na ang mahalaga eh may grade.

Habang nasa byahe ay ang init dahil medyo traffic pa. Pag South talaga, kakambal na ang traffic sa mga ganitong oras. Tssss. Medyo siksikan din sa loob ng jeep, may mga bata pang pumapasok para linisin 'yung sapatos o tsinelas na suot mo at manghihingi ng barya. Madalas din ay may sumasabit na mga bata pa at kumakanta at mamalimos muli sa loob.

Sa mga ganito ay nagbibigay ako kahit madalas ang mga nakakasabay kong mga pasahero sa jeep ay masama ang tingin sa mga batang ito at naiirita. Nagbibigay ako sa mga ito dahil may mga nakilala ako at nakagisnan habang bata ako na nagsimula sa pagiging ganito.

And ngayon, kung makikita niyo sila, they're already grown- up kasama ng mga pangarap lang nila noon. Mga successful na piniling magbago at magpakatino.

Pero kahit kailanman ay hindi nakalimot.

Malakas na pumreno ang driver at biglang napahinto ang jeep na sinakyan ko. May mga nagkabangaang pasahero at halatang nagulat.

"Aba't siraulo!" Malakas na sambit ni mamang driver.

Nakatingin ito sa labas at doon ko rin itinuon ang atensyon ko. May lalaking may hawak na cellphone at yosi sa kamay. Nakatingin din ito sa driver at nangiti- ngiti pa.

Biglang nakaramdam ako ng kakaiba.

Imposible.

Sinalubong nito ang tingin ko at ngumiti pang muli bago itinaas ang gitnang daliri sa driver ng jeep at naglakad ng mabilis. Wala na namang nagawa pa ang driver ng jeep na sinakyan ko at napamura na lang ng mahina at nagsimula na muling paandarin ang sasakyan.

"Mga tao talaga ngayon hindi mo na alam kung ano tumatakbo sa isip..."

"Tsk tsk. Magpapakamatay ba 'yon o nagti- trip lang?"

"Hindi natin alam. Hayaan mo na."

Usapan ng mga katabi ko habang ako ay nanatiling inisip ang nakita ko. Imposible. Napaka- imposible talaga. Umiling- iling ako sa iniisip ko. Hindi pwedeng mangyari.


Mabilis naman akong nakarating sa village nila Katarina at nag- iwan ako ng i.d sa may guardhouse sa labas bago nakapasok. Malapit- lapit lang naman sa entrance ang mansion nila kaya't onting lakad na lang ang kailangan kong gawin upang matunton siya.

Hindi pa man ako nakakapaglakad nang tuluyan ay naaninag ko na ang driver ni Katarina. Si Junitz, kung hindi ako nagkakamali. Mukhang nagmamadali ito, aligaga at tingin ng tingin sa cellphone niya.

Naglakad din ako papalapit sakanya at nanlaki pa ang mata nito ng makita ako.

"Ikaw! Diba kakilala mo si Ma'am Katarina?" Humawak pa ito sa magkabilang balikat ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya at pinilit siyang tulungan na huminahon.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now