V.

21.7K 680 106
                                    


K

"You look like a crazy woman who just did something naughty to her boy." Bigla akong napatingin sa nagsalita sa tabi ko. "What? Why are you glaring at me all of a sudden? Parang kanina lang ngiting- ngiti ka dyan."

I arched an eyebrow at her. "Seriously Gen? I wasn't smiling!"

"Yeah right. Guilty much? Go on, be defensive, K. Ano bang dine-daydream mo mag- isa dyan?" Patuloy pa rin ito sa pang- aasar at hindi ko na lang pinansin. Ininom ko na lang 'yung coffee ko. Kasalukuyan kaming nasa Starbucks ngayon na bagong bukas sa Katip. I think this is the best branch they have here in the PH. "Sus... baguhin ko 'yung tanong ha, sino 'yung dine-daydream mo?"

Sasabunutuan ko na sana siya nang bigla naming makita si Prim na pumasok sa entrance at kasama si... Vero. Suddenly, Vero's gaze met mine. Ako rin 'yung biglang nagbawi ng tingin sakanya. Honestly, I don't feel comfortable being around her.

Kumaway- kaway si Genevieve sakanila. "Prim! Vero! Finally!" Kinurot ko si Gen sa gilid. "Ano ba?! Para saan 'yun!"

"Ang ingay mo. Kadiri ka. Ang squammy mo talagang babae ka kahit kailan." Madiin kong saad sakanya at binalewala lamang niya 'yun.

Umupo na rin sa bakanteng upuan sa harap namin 'yung dalawa. Inorder na namin silang dalawa. Akala ko pa naman kung sinong kasama ni Prim. Si Vero lang din pala. Akala ko may new friend to replace Vero. Kidding aside, Vero and I will remain friends.

Tumahimik lang ako. Hinayaan ko na silang tatlo gumawa ng conversation.

"Nagpunta ba kayo nung Wanderland? Kainis kasi pumunta kaming Singapore nung araw na 'yun."

"Oo, nagpunta ako. Mga kasama ko nga eh ibang classmates ko. Bwiset kayong tatlo eh. Dinitch niyo ang kamahalan." Tinarayan ko lang muli si Gen sa sinabi niya. "Bakit ba ang bad mood mo K? Eh your plans are happening na nga! Grabe 'yung nangyayari dun kay..." Sandali pang nag- isip ito. "What's her name again?"

Tumingin siya kay Prim. "I forgot Gen. I think Angela? Angelica?"

"It's Andrea. Her name is Andrea Michelle Ruiz." Biglang salita ni Vero. Kanina pa siya tahimik, nagpho-phone lang o kaya'y iniinom 'yung coffee niya.

"Woah there... wala ka bang napapansin Prim? Parang uminit bigla." Nagpanggap pa itong nagpapaypay at inayos ang damit ang buhok niya.

Tumingin saaming dalawa ni Vero si Prim. "Totoo nga Gen. Ang init. Grabe sa init! I can't! Hindi ko ata kakayanin ang init na---,"

"I want to talk to you properly, K." Pinutol na ni Vero ang sinasabi ni Prim at nanatiling nakatingin lamang siya saakin. "You're not answering my texts."

"She's not answering my texts either!" Banat ni Prim.

"Buti na lang I'm not texting her. Bitch, akala mo walang load. Naka- plan naman." Entrada ni Gen sa tabi.

Tinitigan ko si Gen at umaktong tila inuutusan siya na isara na lamang ang bibig niya dahil nakakairita ang kung anu- anong lumalabas sa bibig niya. Sumunod naman siya at umaktong akala mo'y zinipper ang bibig.

"Go ahead, Vero. Say what you want. I'm all ears now."

Nanatili lamang siyang nakatitig saakin at bumuntong- hininga. "I want you to stop messing with Andrea. I told you, she's my friend too. Spare her, K."

I stared at her.

I stared at her like I was asking her too many questions without opening my mouth.

I stared at her like I couldn't believe what she just said.

Maging sina Prim at Gen sa tabi ay tila gulat din ang mga reaksyon.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now