A
"Okay ka lang ba Andrea?" Tanong ni Katelyn na nasa tabi ko at hawak pa din ang braso ko. "May sumasakit ba sa'yo?"
Inihiga ko ang ulo ko sa unan. Parang bumibigat ang ulo ko, ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit, kasabay nang pagsakit ng ulo ko ay ang pagsikip ng dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko, parang may kung anong kumikirot sa loob. Lumapit na din saakin sina Genevieve at Primrose. Si Katelyn ay minamasahe ang ulo ko. Sinusubukan kong labanan ang kung ano mang kirot na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Ang tanging sigurado lang ako ay hindi koi to nararamdaman dahil sa mga sugat at galos na natamo ko sa aksidente.
Palabas na si Genevieve. "I'll go inform the doctor and get him here as soon as possible." I'll be fine. Kaya ko 'to. Kaunting kirot lang ito.
Pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya. "Okay lang ako Genevieve. Nawawala na."
"Are you sure? Little or no little pain, you should always inform us. Okay?"
Tumango ako at ngumiti ng bahagya. "Oo naman. Huwag kayong mag- alala." Ngumiti na lang din sila at bumuntong- hininga. "Pwede ba akong magtanong?" Dagdag ko pa.
Si Primrose ang sumagot. "Oo naman. Tungkol saan ba?"
Hinawakan muli ni Katelyn ang ulo ko. "Huwag mo masyadong pagurin ang isip mo. It's not okay for you to overthink whatever it is. Your questions will have their answers soon."
Umiling ako sa sinabi ni Katelyn. Tumingin muli sa labas ng pinto. Tiningnan ko din ang kamay ko na kanina ay hawak- hawak niya habang nagpapanggap akong natutulog pa. "Kaanu- ano ni Veronica iyong babae kanina?"
Tila nabigla sila sa naging tanong ko. Kunwari'y nag- isip isip pa. Alam kong alam naman nila lahat ng sagot na. Hinihintay lang siguro nila akong magtanong o hinihintay nila ang tamang panahon para sa mga sagot sa tanong ko.
"A good friend to the family." Si Genevieve ang sumagot. "Prim's cousin."
Ngumiti si Primrose. "Yes. It's Katarina."
Tiningnan ko ang kamay ko. Inalala ko 'yung ginawa niyang pagtulong saakin kanina; pagsubo ng pagkain ko sakin, pagtulong sa pagkakaupo ko dito sa kama at ang mga pag- uutos niya na hindi ko alam kung bakit niyang ginagawa. Nakanguso pa siya habang sinasabihan ako na sumunod sa pinapagawa niya. Hindi ko siya kilala pero kung maka- asta siya sa buhay ko ay parang kontrolado niya ako. Then suddenly I saw a blurry vision of someone. A stranger maybe. Sobrang liwanag sa buong paligid. May mga nakapalibot na mga bulaklak sa kanya, daffodils and sunflowers. The closest of all flowers. At dahil sa sobrang liwanag ng langit ay hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya. Pero nakikita ko ang ngiti niya, nakangiti siya saakin habang nakalahad ang kamay niya. Gusto niyang hawakan ko ang kamay niya at sumama ako sakanya.

YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...