XXI.

17.3K 543 48
                                    


A



"I don't think we've seen you around Bridgett." Nagtinginan muna ang parents ni bruha at tinignan muli ako ng tatay niya matapos magsalita. "Are you sure you study at Bridgett?"

Tumango muli ako.

Bakit ba ang daming tanong nito?!

At ano bang pakielam nila kung sa Bridgett nga ako nag- aaral!

"I think you're scaring her, honey." Biglang singit ng nanay ni bruha at ngumiti ito saakin matapos akong balingan ng atensyon. "Do you mind me asking how you and my daughter got to know each other?"

Magsasalita na sana ako nng biglang may tumapak sa may paanan ko at tumikhim si Katarina sa tabi ko. Pucha solid 'yun ha! Hindi na lang ako nagpakita sa magulang niya na nasaktan ako at isipin nilang sadistang tunay ang anak nila. Napakabruha talaga!

Pinilit kong ngumiti kahit papaano sa harap ng parents niya, kahit peke lamang iyon. Pucha kasi! Bakit ang sakit niya manapak! "Partners lang ho kami sa research sa isang subject."

Tumango- tango naman ang nanay niya.

"Alright. Good. I guess magandang impluwensya ka sa anak kong 'to. Hindi kasi 'to gumagawa ng mga research. Madalas pinapagawa sa iba at nagbabayad."

Nanlaki naman ang mata ni bruha sa sinabi ng nanay niya at natawa na lang ang parents niya mismo. Tumingin pa saakin si bruha ng masama animo'y pinipigilan ako na simulant tumawa kung binabalak ko man.

Sus! As if naman hindi ako aware na ganoon nga ang ginagawa niya talaga!

Hahahahahahaha!

Oh ayan sa isipan na lang ako tumawa! Bwahahahahaha!

"Mommy naman! Ako gumagawa ng lahat ng homeworks ko no! Huhu." Nag- pout pa ito at natatawa na lang muli ang parents niya. "Daddy! Why are you laughing too? Bad kayo saakin."

Akmang tatayo na ito nang pigilan siya ng nanay niya.

"Iha, huwag mong iwan ang bisita mo rito." Tumingin ito saakin. "Anyways, I hope we see you again. Katarina never invited people."

Mula doon ay nanlaki muli ang mata ni bruha.

Huh? Ano raw?

"Mommy!" Bigla ay napalakas ang salita ni bruha. Ito na. Gusto ko na talagang matawa at sobrang pagpipigil lang ang ginagawa ko ngayon. Bwahahaha!

Napatingin nanaman saakin si bruha at doon ay umiwas ako ng tingin.

"Andrea. Another question if you don't mind me asking..." Biglang tumahimik ang paligid at lahat kami ay nagbaling ng atensyon sa tatay ni bruha na siyang seryosong nakatingin saakin. "Are you still living with your parents?"

Malalim na buntong- hininga ang pinakawalan ni Katarina mula sa tabi ko. "What's with so many questions daddy!" Pagmamaktol niya.

Sinalubong ko naman ang tingin ng tatay niya. "I'm living with my mother."

"Where is you-," Bigla ay hinatak ako ni bruha at hindi man lang pinatapos sa pagsasalita ang tatay niya. "Sweetie, what are you doing?!" Halatang nagulat ito.

Ngumiti si Katarina sa magulang niya. "I'm sorry mommy and daddy but Andrea needs to go home already. Hinahanap na po siya sakanila. You can talk to her next time." Ngumiti muli ito at tuluyan na akong hinatak palabas ng bahay este mansyon nila.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now