A
Naglalakad ako ngayon papuntang c.r para as usual magpalit ng damit dahil nabasa nanaman ako. Lagi akong wet ha. Pansin ko lang. 'De biro lang. Pero 'yung totoo? Feeling ba ng mga estudyante rito ay hindi ako naliligo kaya't lagi akong nababasa? Pucha! Naliligo ako araw- araw mga hoy! At isa pa 'yung Katarina na 'yun!
Bipolar ata 'yung babae na 'yun eh... kagabi lang makayakap saakin akala mo super friends kami. Sobrang higpit akala mo ay nakasalalay ang buhay niya saakin. Pero, totoo, kagabi nga ay totoong nakasalalay ang buhay niya sa ibang tao. Tsk! Kahit na, akala ko nga kinabukasan eh magiging tahimik na ang buhay ko pagpasok eh. Patuloy na pagkausap ko sa sarili ko. Bumili lang ako ng notebook at ballpen ha dahil nabasa 'yung notebook ko at nagkandaleche- leche 'yung ballpen ko dahil sa ginawang pagbabasa saakin nung mga inutusan niya para pagtripan ako.
Nagka- amnesia ka ba Andrea? O sadyang tanga ka? Alam niya ngayon ay si Veronica ang nagligtas ng buhay niya dahil iyon ang pinakiusap mo. Pakshet! Oo nga pala. Lintek na! Ayaw ko rin kasi na malaman niya na ako ang nakasama niya non dahil nandoon ang parents niya at baka kung anu- ano ang itanong saakin at sa huli ay sabihin pang kasabwat ko 'yung humabol kay Katarina.
In short, ayaw ko lang ng maraming tanong na sasagutin at mas lalong ayaw kong makasalamuha ng mga bagong tao.
Pero salamat. Salamat kay Veronica na marunong tumupad ng pinag- usapan kahit ba hindi pa siya tuluyang um- oo at halatang napilitan lang siya.
F L A S H B A C K
Mamumulubi atang talaga ako ha sa eskwelahan na 'yun ha. Kakabili ko lang ng notebook na 'yun. Pakshet na malagket! Buhay naman talaga oh! Kapag talaga ako tinopak eh pagkukutusan ko sila isa- isa.
Bigla akong natigil sa paglalakad ng biglang may tumatakbong babae sa harapan ko. Papunta siya sa direksyon ko. Nilakihan ko ang mata ko at pinilit alamin kung sino iyon; kung kakilala ko ba o nakita ko na ang babaeng iyon. Dahil medyo pamilyar. Aaminin ko medyo pamilyar ang pigura ng babaeng hinihingal na kakatakbo at kaunti na lang ay babagsak na.
Hayun nga at bumangga siya sa harap ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing. Pucha... Katarina? Yumuko ako at tinignan kung sino ang babaeng ito ngayon at babagsak na ata sa harapan ko. Si Katarina nga! The one and only! Bakit naman tumatakbo mag- isa 'to? Dis- oras ng gabi ay nagja-jogging? Ititingala ko sana ang mukha niya nang biglang may napansin akong nakatayo pa sa harapan namin. Lalaki. Matanda na at payat. Nakasando na black. Maraming tattoo at mukhang adik. Hinahabol siya ng isang 'to? Ah, kaya pala.
Tumitig ako sa lalaki bago nagsalita. "Manong, saakin na 'tong babae na 'to. Makakaalis ka na." Bigla ay yumakap saakin si Katarina. Aray! Pipigain yata ng isang ito ang kalamnan ko eh. "Teka, huwag masyado mahigpit yakap mo. Masakit." Ngunit hindi siya sumunod at mas lalong humigpit pa ang yakap saakin. Kahit kailan talaga ay ang gusto ng babaeng 'to ang nasusunod. Sa huli ay hinayaan ko na siya at muling tumitig sa lalaking tila naghihintay sa harap namin dahil bigla itong tumawa.
"Ano sa tingin mo sakin gago? Hinabol ko 'yang babae na 'yan para lang sa wala? Bitawan mo 'yang babae na 'yan at ibigay mo saakin nang hindi na tayo magkasakitan pa."
Magkasakitan? May dala ata itong kung ano. Pakshet! Bumili lang ako ng notebook at ballpen at bigla akong mauuwi sa ganitong sitwasyon. Napakagaling Andrea at kasama mo pa si Katarina. Deserve mo ang isang round of applause.
Hindi ako nagpatinag sa matandang adik. Mukhang naka-singhot ito ngayon kaya't napakalakas ng loob. "Hindi ata pwede 'yun manong. Pasensya ka na, saakin 'tong babae na 'to." Katamtaman pa rin ang lakas ng boses na sabi ko sakanya. Nakita ko pa ang pag-ngisi nito at parang may hinuhugot mula sa bulsa niya sa likod.

YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...