53.

17.1K 477 40
                                        


A



So what does it take to love a person?

What can you do just to prove you love the person?



Ayan 'yung nakalagay sa nadaanan namin ni Katarina na parang lote, 'yung pader doon, ayan nakasulat ang dalawang tanong na yan. Tila may nag- spray yata doon na kung sino. Kahit pa mabilis lang ang pagdaan namin doon ay tumatak sa isip ko ang dalawang tanong na iyon.


Alam kong mahal ko si Katarina.

Alam ko 'yun. Sigurado ako doon at sa sarili ko na mahal ko siya.

Pero bakit ang hirap sagutin ng mga tanong na 'yun?

Parang kahit ang sagot ko sa mga tanong na iyon ay kung paano ang pagmamahal ko kay Katarina, tila hindi pa rin sapat ang mga iyon.

Ang pagmamahal ko para sakanya.



Si Katarina ang nag- drive sa naging date namin. Buong oras na byahe namin ay tinitingnan ko na lamang siya. Ang tagal din pala talaga nung pagkawala ko, parang ayaw ko nang mawala siya sa paningin ko. Humawak ako sa lap niya at bahagyang nagitla siya.


Napatingin saglit saakin.

Nakita ko ang maliit na ngiting lumitaw sa mukha niya.

Gusto kong hawakan ang mukha niya, yakapin siya ngayon nang mahigpit pero nagmamaneho nga pala siya. Mamaya ay maaksidente pa kami. Uunahin ko pa ang mga paggaganito ko kesa sa kaligtasan naming dalawa. Hahahaha!


"What are you thinking?"


Tanong ni Katarina habang nakatingin sa kalsada.

Napangiti ako.

Alam niyang may malalim akong iniisip.


"Wala naman." Sabi ko. "As usual, ikaw iniisip ko." Dagdag ko pa.


Nakita ko ang pag- angat ng isang kilay niya. "Magkasama na tayo iniisip mo pa din ako?"


"Bakit bawal ba? Posible naman 'yung ganoon ha." Sagot ko. "Saka ikaw pa. Gusto mo oras- oras iniisip kita. Kunwari ka pa. Nagtatanong pa ng mga ganyan." Pang- aasar ko.


"Duh of course." Banat niya naman. "Who else would you be thinking of? Hmmm?"


Aasarin ko nga muna talaga siya. Hahahaha


Naka- smirk pa ako. "Uhhh sino nga ba?"


Bigla ay huminto siya.

Muntik na ako mapahawak sa harap para ibalanse ang sarili ko.

Nanlaki ang mata kong tumingin sakanya.

Poker face lang siya.


K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now