Episode 1- Poisonous betrayal of friendship PART ONE

22.5K 516 511
                                    

[Vaughn]



Nagmadali akong pumasok sa skwelahan at tumakbo papuntang classroom.

Bwesit! masasabon na naman ako nito kay Mrs. Pamintuan.

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan ang lalaking makakasalubong ko, huli na para tumigil ako!

Waaah!

"SHIT" Narinig ko ang sigaw ng lalaking nabangga ko. Parehas kaming nakaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga namin sa isa't-isa.

"Sorry!" Sigaw ko sa kanya.

Lalapitan ko na sana s'ya kaso malalate na talaga ako, malaki na s'ya kaya na n'ya ang sarili n'ya pero ako hindi ko kaya ang sarili ko pag napagalitan na naman ako. Tumakbo ako papalayo sa kanya, hit and run ang tawag doon kaya wag n'yo akong gayahin.

Pagdating ko sa classroom, as expected, nagsimula na ang klase.

"Mr. Sinclaire care to explain why you are late?" Nakakatakot na tanong ni Mrs. Pamintuan.

"Ma'am nalate po ako ng gising kasi late na po ako nakatulog kase pinuntahan ko pa po 'yong kapitbahay namin na namatayan ng aso" Pagpapaliwanag ko.

Itinaas nya ang kilay nya, kung hindi ko lang guro itong babaeng 'to baka matagal ko ng kinalbo 'yang makakapal nyang kilay "Sa dorm ka tumitira paano naging kapit-bahay?


'e di kapit kwarto? Si ma'am walang common sense madalas kaya maraming may ayaw sa kanya eh

"Ma'am kung di n'yo ako papapasukin sasabihin ko kay principal na nakita ko kayo na naghahalikan ni Mr. Madrigal"

Napasinghap silang lahat dahil sa sinabi ko. Bigla namang namula sa galit si Mrs. Pamintuan


hindi talaga ako ang nakakita no'n ang totoo n'yan si Nate talaga ang nakakita no'n nang nag grocery kami.

"Wag kang magsinungaling!" Sigaw nya sakin.

"Hindi po ako nagsisinungaling tandang-tanda ko po ang lahat. Sabado, 6:33 pm August 13 2017 sa likod ng 7/11. May ebidensya po ako" Inilabas ko ang phone ko at ipinakita kay Mrs. Pamintuan ang litrato ng paghahalikan nila ni Mr. Madrigal. At uulitin ko, si Nate talaga ang may ari ng litrato, sinabihan ko lang s'ya na pasahan ako pero hindi talaga ako tsismoso.

She made a loud monstrous noise before running outside the classroom, YAY walang pasok!

Pumasok ako sa loob ng classroom, loud voices and same old faces greeted me. Ang aga napapa English na agad ako

Boring! Kailan ba magkakaroon ng thrill ang buhay ko bukod sa pag babantay sa dalawang ka dormate ko

Nagulat ako nang biglang bumukas ng malakas ang classroom at pumasok ang isang lalaking may kulay itim na buhok, matangkad  pero mas matangkad ako sa kanya at magkasalubong ang kilay.

Napatingin sya sa direksyon ko at mas lalong nalukot ang mukha nya.

HALA! Sya yung nabangga ko kanina diba?! Ibig sabihin kaklase ko s'ya?!

Kung minamalas ka nga naman.

Napatakbo ako sa upuan ko at nagkunwaring matutulog, rinig kong may naglalakad papunta sa direksyon ko at huminto ito sa harap ko. Gustong-gusto kong tignan kung sino iyon pero natatakot ako na baka 'yung lalaking nakabangga ko ang nasa harap ko.

Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko kaya napatingin ako

Para akong tinamaan ng kidlat nang makita ang pagmumukha ng lalaking tumabi sa'kin!

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon