Episode 22- Death of the White Lady (Halloween special) PART ONE

4.1K 172 133
                                    

[Vaughn]

"Check"

"ang daya mo naman!" sigaw ni Nate nang matalo ulet sya ni Zed sa chess

"shhhh! wag nga kayong maingay" saway ni Principal Nick sa kanila

hinihimas ni Zed is Snow na nasa tabi nya habang nakangiti ng pang-aasar kay Nate "just give it a rest Nate, you own me 400 already"

"WHAT?! That's ridiculous!, How come umabot agad sa 400 yung talo ko?!"

iniabot ko kay Zoki ang binalatan kong mansanas at lumapit kela Zed at Nate para awatin silang dalawa, pero bago paman ako makalapit sa kanila ay may lumipad na na papel mula sa desk ni Principal Nick

"For God's sake! shut the hell up Nate, can't you see I'm busy? and what the bloody hell are you all doing here anyway?" ibinaba ni Principal Nick ang mga folder na hawak nya at masama kaming tinitigan.

"wala naman po kaming pasok tsaka wala naman po kaming ibang mapupuntahan bukod sa dorm kundi dito" sagot ko sa kanya

hinawakan ni Principal Nick ang noo nya, mukhang sumasakit na naman ang ulo nya dahil sa'min, tumalon naman si Snow mula sa lap ni Zed at lumapit sa desk ni Principal, kinuha ni Principal si Snow at hinimas-himas nya ang mapuputing balahibo nito.

Mukhang naging malapit sila sa isa't-isa, this past few days kasi sunod-sunod ang dating ng mga kaso samin at palagi naming iniiwan si Snow sa kanya.

tahimik ang lahat nang biglang nagtaas ng kamay si Nate

"Oh I know! how 'bout you give us our own headquarter with free Wifi? that would be great, isn't it?!"

"Anong headquarter? yung mga kwarto nyo nga hindi nyo nagagawang linisan yung headquarter pa kaya?"

napasinghap silang tatlo dahil sa sinabi ko, at talagang nagulat pa talaga sila ha?

"Wala namang personalan Vaughn, si Zed lang kaya yung hindi naglilinis ng kwarto nya"

"Shut up Nate, your room is like a freakin' dumpsite"

Binato ni Nate ng chess piece si Zed, gumanti naman si Zed kaya bigla nalang nagliparan ang mga chess piece sa loob ng office ni Principal, ngumiti si Zoki ng nakakatakot at kinuha ang dalawang tasa sa cabinet ni Principa "Zoki, ibaba mo yan, wag ka ng dumagdag sa gulo maawa ka kay Principal" saway ko agad sa kanya, mahirap na, baka pati mga tasa magliparan na sa loob ng office.

Napapikit nalang si Principal at mahinang nagbibilang, mukhang sinusubukan nyang pakalmahin ang sarili nya

Pasensya na talaga Principal, mabuti nang wala kaming headquarter total sa huli ako lang naman yung maglilinis, nakakapagod yun, tsaka wala naman talaga kaming nacontribute sa skwelahan as a club kaya hindi na namin ka-kailanganin pa ng clubroom.

kung hindi nga lang kami nagreresolba ng mga kaso siguro magmumukhang parang walang kwenta yung club na binuo namin.

nang matapos magbatuhan sila Zed at Nate naging tahimik na ulet sa loob ng office ni Principal, pero mukhang lapitin talaga ng mga maiingay si Principal dahil ilang sandali lang ay may bigla nalang kumatok sa pinto ng office nya.

"Come in"

pagbukas ng pinto ay sabay na napa mura si Nate at Zed nang makita ang dalawang taong nakatayo sa harap ng pinto.

"WAAAH! NANDITO LANG PALA KAYO!" sabay na sigaw nila Abby at Brian, tama ang hinala nyo, pagkatapos ng huling kasong hinawakan namin ay sumama silang dalawa hanggang dito, sabay pa talaga silang nag transfer at kung hindi lang pamangkin si Abby ng isa sa mga major share holder ng skwelahan ay paniguradong hindi sila papayagan ni Principal na makapag-transfer dito, ayon kasi sa kanya magiging dagdag na sakit sa ulo daw ang dalawa.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now