Episode 10- Part Time Detectives VS Mystery Club Members PART TWO

4.4K 225 75
                                    

[Vaughn]




Tawang tawa si Nate sa sinabi ng lalaking kaharap namin

"That's the funniest thing I've ever heard this month. Tignan lang natin kung mananalo kayo" Confident na sabi nya habang tawang-tawang lumakad papalayo sa amin

Nakakaproud talaga ang taas ng confidence level ng batang to.

Nakita kong ipinabasa niya kay Zed ang nakasulat sa cellphone nya, habang kaming dalawa nalang ni Zoki ang naiwang nakatayo sa harap nila. Tumalikod na sila Inspector Brealey at Officer Garcia at nakipag-usap sa dalawang forensics investigator

Lumapit si Zoki sakin habang humihikab pa "I'm going back to the dorm" Sabi nya habang kinakamot ang kulay abo nyang buhok

"Bakit anong gagawin mo sa dorm?"

"Matutulog" agad syang tumalikod sa'kin at naglakad papalayo.

Bakit ba sya palaging inaantok eh ang lakas-lakas nya namang uminom ng kape? Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ng taong yun.

"Ano umuwi na ba ang mga kasama mo? Iniwan ka dito?" Natatawang sabi ng isa sa apat na mga lalaking hindi ko kilala.

Tinaasan ko lang sila ng kilay, ayoko ng sumagot sa kanila at baka humaba na naman ang walang kwentang usapan.

May humigit sa kamay ko akala ko kung sino si Zed lang pala

"Samahan mo ako sandali" sabi nya sa'kin habang hinihala ako, akala ko kung saan kami pupunta yun pala nilapitan lang namin ang babaeng isa sa mga naunang nakakita sa bangkay.

"Excuse me" Tanong ni Zed habang kinakalabit ang babae.

"Nasabi ko na po lahat ng nakita ko sa mga pu-"

Hindi natuloy ng babae ang sinasabi nya nang bigla syang napatingin sakin, parang bigla syang nagyelo sa kinatatayuan nya dahil hindi sya gumagalaw habang titig na titig sakin.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ahem"

Napakurap ng ilang beses ang babae ng tumikhim ng malakas si Zed

"Can you tell us EVERYTHING that you know?"

"And by everything it means even the tiniest details that you could remember" Napalingon ako kay Nate na nalalakad papalapit sa'min.

Nakapamulsa sya habang bit-bit sa kaliwang kamay nya ang laptop na palagi nyang dala.

Hindi sya lumalabas sa dorm ng hindi dala-dala yung laptop nya.

"Oh Vaughn ba't ganyan ka makatingin sakin?" Tanong nya nang tuluyan na syang makalapit sa'min

"Wala iniisip ko lang kung tatangkad ka pa ba o hindi na"

Biglang may lumabas na ugat sa noo nya, itong batang to talaga, .napaka sensitive kapag height na ang pinag-uusapan

"Alam mo Vaughn kung hindi mo lang kami ipinapag-luto ng pagkain araw-araw baka ipinokpok ko na sa mukha mo 'tong laptop na hawak ko" tiim bagang na sagot nya.

Tatawa sana ako sa isinagot nya pero bago ko pa ibuka ang bibig ko ay nagsalita ulet sya

"Subukan mo lang tumawa talagang ihahampas ko to sa pagmumukha mo" Babala nya habang tinititigan ako ng masama, kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.

"Wag naman pong ganoon"

Sabay kami ni Nate na napalingon sa babaeng kaharap ni Zed.

Nagulat sya nang tinitigan namin sya ni Nate kaya makalipas ng ilang segundo agad nyang tinakpan ang mukha nya.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon