Episode 45- A special day for Moms

2.6K 129 27
                                    

[Vaughn]

nagmumukmok ako sa gilid habang umiinom ng malamig na tubig. Hindi ko parin nakakalimutan ang mga nangyari doon sa kasong nahawakan ko ilang araw narin ang nakalipas, nakulong si Marie dahil nagawa kong masolve ang kaso, kung hinayaan ko nalang sana na akuin ni Delbert ang kasalanan na nagawa ng kapatid nya magiging okay ba ang konsensya ko?

"Vaughn" umupo sa tabi ko si Zed may hawak syang sandwich

"Ba't ang aga mo nagising?" umayos ako ng upo at binaba ang baso, kinuha ni Zed ang kamay ko at ipinatong ang sandwich na dala nya.

nag iwas sya ng tingin at pinalobo ang pesnge nya "Para saan 'to?" ang bobo ng tanong ko.

"para sa aso Vaughn"

napatawa nalang ako sa kanya, minsan na nga lang sya mabait ginagalit ko pa.

Napatawa nalang ako sa kanya nang umupo sya ng naka stretch ang mga bente na parang bata.

"Did you get any sleep?"

gumaya ako sa kanya ng upo "Oo"

"you sure?"

hindi na ako sumagot, ginalaw-galaw ko nalang ang paa ko, kahit naman hindi ako magsalita alam naman ni Zed ang iniisip ko.

"Hey, you should forget what happened, we visited that girl at the station yesterday, she was smiling, her case was murder but because she voluntary plead guilty of the crime her sentence was loosen, Inspector Brealey said she will have to spent 5 years on the cell but he promised to look after her, he instructed the police officers and some inmates to look after for her. As for the girl, she's very thankful for you, she said she can't forgive herself if her brother will pay for her crime. She's a smart girl, she knows what's right and chose to do the right thing, she said don't be sad, you should visit her sometimes, she's crushing with you"

"hirap talaga pag pogi" patawang sabi ko

tawa ako ng tawa pero hindi man lang nagbago ang emosyon ng mukha nya, 'tong batang ito talaga.

"Yo Mommy Vaughn" tumabi samin si Nate may hawak syang isang baso ng gatas

umupo din si Zoki sa tabi ko at nag-abot ng sandwich at card na may naka drawing na mga kutsilyo at tasa "happy Mothers day Mommy Vaughn"

"loko, wag mo saking ibigay yan sa Mama nyo ibigay yan"

gumaya silang dalawa ng upo "I already sent a card for okaasan"

"Ikaw Nate nag greet ka ba sa Mom mo?"

inayos nya ang salamin nya "Yeah, I called her last night"

napatango ako "Ikaw Ze--"

"I don't have a Mom"

tumayo sya at pumasok sa kwarto nya, tumayo nadin kaming tatlo at dumeretso ako sa kusina para makapag luto ng makakakain namin

"bakit ko nga ba nakalimutan na walang pamilya si Zed"

nakaupo sa sahig at umiinom ng kape at gatas sila Zoki at Nate habang nakatitig sakin.

"well Vaughn baka nakakalimutan mo na may nanay na si Zed ngayon"

"Ha?"

"he's saying you're Zed's mother and he's part of our family, so cheesy"

"You made it sound so boring"

"your face is boring"

"okay okay, mag aaway na naman kayo ang aga pa" itinutok ko sa kanila ang spatula na hawak ko.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now