Episode 7- The Actress disappearing murderer PART TWO

4.5K 216 65
                                    

[Vaughn]




Ilang sandali pa ay narinig na namin ang sirena na nanggagaling sa labas ng resto, mukhang nandito na ang mga pulis.

Pagkapasok ng mga pulis ay mukha agad ni Inspector Brealey ang nakita namin, kumpara noong unang beses namin s'yang nakita hindi na s'ya ngayon ganoon ka suplado tignan.

"Ikaw na naman ba ang tumawag sa headquarter kanina?" Bungad na tanong niya sa akin

"Opo"

Tumango s'ya at inilibot ang tingin sa paligid "Bakit parang kulang kayo? Nasaan iyong walang galang na binatang matalino?"

"Nasa loob po ng Cr" sagot ko sa kaniya

Tumango s'ya at naglakad papunta sa loob ng CR, nakasunod kami ni Principal sa kanya at nakita namin si Zed na nakatayo sa gilid ng pinto.

Feeling ko talaga nagiging fan na siya ni Zed.

Tumabi kami ni Principal sa kanya at tahimik na pinanood si Inspector Brealey na kumakausap sa isang forensic investigator.

"Kakilala niyo ba ang biktima?" napatingin kaming tatlo sa gilid. May lalaking nakatayo sa tabi namin, hindi siya nakasuot ng police uniform kaya hindi siya siguro pulis.

Nang hindi kami sumagot sa kanya ay ipinakita nya ang I.D niya

"Warren Garcia from division 1 of the police HQ criminal investigation department" ang haba naman ng pangalan ng headquarter nila


Tinitigan ko siya, ang tangkad niya at mukhang kaedad lang siya ng kuya ni Nate pero mas mabait ang mukha niya kesa sa kuya ni Nate at kay Inspector Brealey. Wala akong sinasabing mataray tignan ang kuya ni Nate, minsan kase pag nag iisip siya nakakatakot mukha niya. 


"No" Diretsang sagot ni Zed habang nakapamulsa pa.

"Bakit kayo nandito? Hindi nyo ba alam na bawal kayo sa loob nang crime scene dahil baka-"

"We will contaminate the crime scene? Yeah we know" Pagpuputol ni Zed sa sasabihin ni Officer Garcia.

Nakita kong may ugat na bumakat sa noo ni Officer Garcia

Bunganga talaga ni Zed walang pinipiling tao.

"Eh bakit kayo nandito kung alam nyo palang macocontaminate ninyo ang crime scene?"

"Bec---"

Tinakpan ko na ang bibig ni Zed bago pa niya tuluyang magalit si Officer Garcia

"Ah eh, pasensya na po hihi" pagpapaumanhin ko sa kaniya tsaka ko hinila si Zed papalayo, lumapit naman si Inspector Brealey at hinawakan ang balikat ni Officer Garcia 

"Don't worry Garcia kilala ko sila"

"Inspector" Agad umurong si Officer Gracia nang biglang nagsalita si Detective Inspector Brealey at nag salute

"Natalie Mendez ang pangalan ng biktima, dating vocalist ng banda at ngayon ay isa ng sikat na artista" sabi ni Officer Garcia kay Inspector.

bahagyang napatingin si Inspector sa biktima pagkatapos ay humarap sya kay Zed "Mukhang suicide ang nangyari kay Miss Mendez, ano sa tingin mo?"

"Kung titingnan sa malayo mukhang suicide nga ang nangyari" Sagot naman ni Principal nang hindi sumagot si Zed.

Maraming lumabas na dugo galing sa malalim na laslas sa pulso ni Natalie na naging sanhi siguro ng pagkamatay nya.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now