Episode 36- Bomb Scare

3.3K 146 39
                                    

[Vaughn]

"Ano ba naman Zed! Ngayon ka lang ba nakakita ng walis?! Sa sahig yan, ginigamit hindi sa pader!"

"Nate sabi ko punasan mo yung mesa! Anong ginagawa mo dyan sa gilid? asan na si Zo-"

napalingon ako sa likod, bakit parang naging maluwag ata yung kwarto? bakit parang-- asan na yung mga gamit?

"ZOKI! ASAN ANG MGA GAMIT NATIN?!"

"OUTSIDE!"

napatakbo nalang ako sa labas hawak ang sponge at isang baso na sinasabunan ko

nagkalat sa labas ang mga gamit namin, ang sofa, ang mga libro ni Zed and vase.

Napapatingin sa'min ang ibang studyante, nagtataka siguro kung ano na namang kabaliwan ang nangyayari sa loob ng kwarto namin.

"Yo Vaughn, what the hell happened to your room?"

napalingon ako sa lalaking nagsalita, sino nga ulet tong batang 'to?

"ouch, did you forgot my name? my name? ouch!" madramang sabi nyang habang nakahawak sa dibdib nya, baliw na ata 'tong batang 'to.

"umayos ka nga" saway ng babaeng katabi nya, sino ba 'tong dalawang batang 'to?

"ako nga po pala si Kiana, sya naman si Sean" sabi ng babae habang nakaturo sa lalaking kulay puti yung buhok.

"Naalala ko kayo nakalimutan ko lang ng konti mga pangalan nyo" tumawa ako ng bahagya at nagkamot sa ulo.

sa dami ng iniisip ko nakakalimot na tuloy ako ng pangalan.

lumapit si Kiana sa'kin at bahagyang sumilip sa loob "Ang gulo po nila sa loob, ano po bang nangyari?"

napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang pangyayare kahapon, lumapit sa'min si Sean at tumingala sa mukha ko

"ganito kase yun" panimula ko, tumikhim ako ng bahagya pagkatapos ay muling nagsalita "kahapon kase, bumisita sa Quarter namin si Principal Nick, dahil sa sobrang kalat nakaapak ng ketchup si Principal, wag nyo akong tanungin kung bakit may lalagyan ng ketchup sa sahig, wala din akong alam."

sabay na nagtakio ng bibig ang dalawa, halatang nag pipigil ng tawa, kahit naman sila Nate tawang-tawa sa itsura ni Principal

"kaya ayon, napatalon si Principal sa gulat, kung ano-anong bagay ang natatapakan hanggang sa matumba sya sa sofa"

"HAHAHHAHAHAHA!"

hindi na nakapag pigil si Sean, si Kiana naman pulang-pula na ang pesnge dahil hanggang ngayon nagpipigil padin sya ng tawa, nahihiya sigurong tumawa sa harap ko.

May dumating na lalaking kulay itim ang buhok, agad akong pumasok sa loob dahil kilala ko ang isang 'yon, hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako sa kanya, hindi naman sa takot na takot kinakabahan lang, hindi ko parin nalilimutan ang nangyari noong dinukot si ate Zeena, tumatayo padin balahibo ko tuwing naaalala ang pagtawag nya sa pangalan ko.

Pagkapasok ko sa loob malinis na ang sahig, bumalik ako sa kusina at tinapos na ang paghuhugas. Ilang minutong lumipas ay naging malinis na ang kwarto namin.

"chores are done, now let's get back to the case" tumayo si Zed at inayos ang damit nya.

nagtutunong police boses sya, pulis na maarte sabi nga ni Nate

Pumasok kami sa kwarto ni Nate, hindi na ako nagulat sa dami ng gadget sa loob, may mga wire at ilang libro sa lahat ng sulok ng kwarto

"Tangina kahapon pa sya nag didikit ng papel at litrato sa pader ko" reklamo ni Nate habang hinahawi ang mga gamit sa kama nya

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now