Episode 33- The Missing Mother

3K 146 48
                                    

[Vaughn]

Ilang araw narin ang nakalipas mula ng makaharap namin sila Sean at Aston. Sabi ni Zed si Aston daw na 'yon ang nagpakana sa pagdukot kay Ate Zeena, tapos sabi rin ni Astrea sya daw si Cyanide. At mukhang pinaniwalaan naman ni Zed ang sinabi ni Astrea.

"Vaughn, hindi pa ba sya lumalabas?" tanong sa'kin ni Nate. Umiling nalang ako at napatingin sa pinto ng kwarto ni Zed.

Lumabas si Zoki mula sa kwarto nya at kumakamot na humarap sa'min. Ilang araw naring hindi lumalabas sa kwarto si Zed, kung lumalabas man sya ay para lang kumain at magtimpla ng kape.

"Pasukin mo na kasi" utos sa'kin ni Nate

kumatok ako sa pinto ni Zed, naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumagot. Kumatok ulet ako pero wala na namang sumagot.

Baka tulog pa sya?

dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Ang gulo-gulo ng kwarto nya, kagaya noong una ko itong nakita, ang kaso nga lang mas dumami ang mga papel na nakadikit sa pader. Nasa gitna ang larawan nila Aston, Sean, Kakiana at Astrea.

Lumapit ako sa mga nakadikit na papel at sinundan ang pulang sinulid na nakadikit sa bawat papel at litrato.

"connected lahat?" bulong ko

"Yes, it is"

napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Zed, nakasandal sya sa pader at nakatingin sa'kin. Agad akong lumayo sa mga papel at umupo sa kama nya.

Lumapit sya sa'kin habang inaayos ang uniform nya "If Cyanide knew that I was going to this school, does that means he's following me" sabi nya.

napaisip ako, hindi ko makuha ang ibig sabihin ni Zed kaya tumahimik na muna ako

"I was checking the records yesterday--"

"umalis ka pala kahapon? Ba't di ka nalang pumasok?" tanong ko sa kanya, pero hindi nya ako sinagot.

"Look at the red thread Vaughn"

tumingin naman ako sa pader at tinignan ang pulang sinulid.

"Have it ever occur to you that meeting the three of you isn't really fated?

"anong pinagsasabi mo jan?"

"Nothing"

"nga pala, kukunin na ba natin si Snow kay Principal?" tanong ko sa kanya.

hindi sya sumagot at tinulak nya lang ako papalabas ng kwarto nya.

pagkalabas namin sa kwarto ay kinalabit ako ni Zoki

"Mommy Vaughn I found something awesome outside the school, it round, colored orange with an egg in, I think it's called kwak-kwak"

"kwek-kwek" pagtatama ni Nate sa kanya

"yea, kwek-kwek" tango naman ni Zoki

"tapos?"

"would you buy it for me?"

napasinghap nalang ako sa sinabi ni Zoki, hindi ba nya alam na wala na kaming allowance? wala naman kasi kaming nahahawakan na kaso mula pa noong nangyari sa horror house, kaya hindi pa kami naaabutan ng pera at grocery ni Principal.

Tapos hindi silang tatlo nag-aabot sa'kin ng pera kaya saan ako kukuha nang ipapambili nya ng kwek-kwek?

Mukhang alam na nya ang isasagot ko kaya't tumalikod nalang sya at naglakad papunta sa kusina.

Paglabas ni Zed ay sya rin'g pagdating ni Zoki, may hawak syang mug na may laman na kape.

Hindi na kami nagtanong kung dadalhin pa ba nya ito sa classroom kasi sanay na naman kami sa kanya, nagtataka nga ako kung bakit hindi sya pinapagalitan ng prof namin sa tuwing umiinom ito ng kape habang nakatitig kay prof na nagtuturo. Takot din sya kay Zoki? Siguro.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon