Episode 48- More than a friend

2.5K 117 21
                                    

[Vaughn]

"teka nga baka hindi talaga 'to para sa atin?"

kinuha ni Zoki ang papel at ipinakita sa akin ang nakasulat sa likod 'Zoki, Nate and Vaughn'

"May duda ka pa ba Vaughn?" tanong ni Nate

wala naman akong duda, unang kita ko palang sa papel alam ko ng may nangyari kay Zed, ayoko lang isipin ang lahat ng mga posibleng nangyari.

bumukas ng malakas ang pinto sa dorm kaya napatakbo kaming tatlo papalabas ng kwarto ni Zed.

"O' bakit ganyan ang mga mukha nyo? Alam kong pogi ako ----" may lumipad na cushion sa mukha ni Brian

"Gago" naiinis na sabi ni Nate. Naglakad sya papunta sa kwarto nya, paglabas nya ay hawak na nya ang paboritong laptop nya at umupo sa sofa. Narinig ko pang tumunog ang laptop nya.

"May problema ba Vaughn" tanong ni Scythe

Sila Scythe, Abby at Brian ang dumating, may dala silang mga chips at kung ano ano pang pagkain. Malapit nadin ang balik ng pasukan, matatapos na ang summer break pero sunod-sunod parin ang mga kamalasan ang problema namin tapos ngayon nga nawawala si Zed. Hindi ko alam kung may kumuha sa kanya o nagkusa syang umalis kase ayaw nyang madamay kame.

"Asan si Zed?" nakangiting tanong ni Abby, galing na pala sya sa kwarto ni Zed.

sabay kaming nag-iwas ng tingin nila Zoki at Nate, nung akala namin nawala si Zed sobrang nag aalala si Abby baka ngayon umiyak na.

"Abby kase---"

"Zed is missing, or probably kidnapped, or killed"

"A-A-ANO?!"

sabay naming binato ni Nate si Zoki ng cushion. Panira din 'tong si Zoki eh, kung makapag sabi ng balita parang wala lang eh.

"Hanapin natin! Hanapin natin Vaughn! Vaughn!" hinila-hila ako ni Abby, umiiyak nadin sya. Naman kase, alam naman ni Zoki na may gusto si Abby kay Zed tapos malalaman nyang nawawala yung lalaking mahal nya, o di kaya dinukot o pinatay.

"Abby, Abby relax, baka umalis lang si Zed, baka naglakad-lakad lang" paninigurado ko sa kanya

"o di kaya namalengke" dagdag ni Nate

tumayo si Brian "O hindi naman, baka nabaril sa labas"

"Or he's assassinated because, he's just so wise-ass to kill" si Zoki naman ang dumagdag.

"Sira ulo kayong dalawa" singhal ni Nate kela Brian at Zoki, mga batang 'to, kung di ko lang sila kilala baka pinalabas ko na sila.

"Zed" mahinang sabi ni Abby. Lumapit si Scythe sa kanya at inakbayan sya para patahanin.

"Wala ba syang sinabi o ibinilin para mahanap sya?" tanong ni Brian, lumapit sya kay Nate at sumilip sa ginagawa nya

"Ang pogi mo pala sa malapitan" pang aasar nya kay Nate, napalaki naman ang mata ni Nate sa sinabi ni Brian, nahulog pa ang salamin nya dahil sa gulat "Dude, alam kong pogi ako nababakla ka ba sa'kin?!" tanong nya kay Brian.

napatawa si Brian sa reaction ni Nate, sinipa sya ni Nate pababa ng sofa kaya nahulog sya sa sahig. "Kinikilig ka no?" pang aasar ulet ni Brian pero agad syang nanahimik nang itinaas ni Nate ang laptop nya at hindi magdadalawang isip na ihampas ito sa kanya kung hindi pa sya titigil.

Ipinakita ko sa kanila si libro at isang piraso ng papel na may lamang code, sabi ni Nate code daw iyon.

"ano yan?" tanong ni Brian habang hinahawakan ang papel

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now