Episode 43- The murdered Fiancee case Part I

2.5K 110 35
                                    

[Vaughn]

pupunta kami sa isang Villa, nandoon kase ang girlfriend ni Delbert kung saan pinapadalhan ng death threats. Ilang oras din kami nasa sasakyan at ilang minuto nading tapos ipaliwanag ni Delbert sakin ang kaso pero hanggang ngayon kinakabahan ako. Unang beses kong may mahawakang kaso na hindi kasama silang tatlo tsaka sa bawat kasong nahahawakan namin si Zed at Nate lang naman ang gumagawa ng paraan para malutas 'yon, backup lang naman kami ni Zoki.

Malulutas ko ba 'to ng mag-isa? Dapat pala hindi nalang ako pumayag na hawakan ang kaso.

bumuntong hininga ako nang makarating na kami sa villa, napanganga talaga ako nang makita ang isang bahay na napapalibutan ng isang ilog.

hindi sya mukhang villa dahil isang bahay lang naman ang nandoon pero ang ganda-ganda tignan ng lugar.

siniguradong hawak ni Delbert ang pinamili nya bago sya lumabas ng kotse "Welcome sa resthouse namin" nakangiti nyang sabi sakin

napakalawak ng lugar at napakadaming tanim na kahoy, ang ganda ng tanawin sa buong paligid at ang lamig ng hangin.

Nasa Pilipinas pa naman ako diba? Pero bakit ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang lugar?

"ang ganda po, pero bakit Villa e wala akong nakikitang mga alagang kabayo o kung ano-ano pang nakikita sa isang villa sa mga palabas?"

napatawa sya ng mahina "resthouse lang 'to, nasa unahan pa ang mismong Villa, pupunta tayo doon kinabukasan pero sa ngayon dito muna tayo sa resthouse, masakit daw ang ulo ni Andrea ayaw nyang bumyahe papuntang Villa"

napatango nalang ako. Ang bait naman nya sa girlfriend nya.

may maliit na tulay na gawa sa cemento na nasa gitna ng ilong papunta sa mismong resthouse. Nauna syang naglakad papunta sa resthouse, habang papalapit kami ay mas gumaganda ang bahay sa paningin ko. Parang gawa lang sa kahoy ang resthouse pero napakaganda at napakalaki ng pagkakagawa. Gawa sa sliding glass ang pinto at sliding glass din ang bintana. Madaming mga halaman na nakapalibot sa bahay at hindi gaanong kalalaking bato na nakapalibot sa mga tanim.

"ang ganda"

"pasok na tayo sa loob?"

binuksan ni Delbert ang sliding door at sinalubong kami ng dalawang magagandang babae at matamis na amoy galing sa loob.

"Kuya welcome ba--?"

napatingin ang dalawang babae sakin at napatingin kay Delbert.

"ah si Vaughn nga pala, kaibigan ko" kinindatan ako ni Delbert, nakapag-usap na kami kanina sa sasakyan, ayaw nyang ipaalam sa kanila na nandito ako para resulbahin ang mga death threats na natatanggap ng girlfriend nyang si Andrea, ayaw daw nyang mag alala ang kapatid nya.

"Marie at bestfriend nyang si Anna Mae" pakilala sa kanila ni Delbert.

mahaba ang buhok nilang dalawa at parehong itim na wavy, mas matangkad si Anna kesa kay Marie at mas mahiyain naman si Marie at di nagsasalita masyado.

"Okay girls kukunin ko muna sa inyo ang pogi nating bisita at ilalagay pa namin 'tong mga gamit na ito sa magiging kwarto nya" paalam ni Delbert sa kanila

"naman kuya Delbert! Panira ka naman ng moment" natatawang sabi ni Anna

"eto na nga pala pinabili mo, kompleto yan kumusta na nga pala si Andrea?"

kinuha ni Marie ang paperbag at sumipol, biglang lumabas ang isang puting chitzu na aso at tumalon sa binti ni Marie.

"ayon masama padin ang loob, masakit daw yung ulo nya tapos walang matinong tao dito para alagaan sya" mahinahong sabi ni Marie

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now