Episode 18- That's our smarty ass detective ladies and gentleman.

4.4K 189 61
                                    

[Vaughn]


Pinapasok namin sa loob ng kwarto sila Inspector at Officer Garcia

"pasensya na po kayo kung magulo kakauwi lang po kasi namin galing ng hospital" sabi ko sa kanila nang makitang magulo sa loob ng kwarto.

hindi na kami nasamahan ni Principal Nick kasi may emergency meeting daw ang mga teachers at kailangan nyang umattend doon.

pumasok ako sa kusina para mag timpla ng kape, pagbalik ko sa sala ay doon palang nagsalita si Officer Garcia

"Mabuti naman at okay ka na Vaughn"

"salamat Officer, ano nga po pala yung sinasabi nyong bagong kaso?" tanong ko sa kanya habang inilalapag sa maliit na mesa ang mga kape

"Nakatanggap kami ng mga reports tungkol sa biglaang pagkawala ng mga babaeng studyante sa South Pearl Academy, lahat ng mga nawawalang studyante ay natatagpuan malapit sa skwelhan"

"dead?" pagputol ni Zed sa sinasabi ni Officer Garcia.

tumango si Officer at ipinakita samin ang mga larawan ng mga studyanteng namatay, tatlong larawan ng mga babae ang ipinakita sa amin ni Officer Garcia, lahat sila ay naka-uniform pa at lahat sila ay may malaking sugat sa noo at sa leeg.

Larawan palang ay masasabi mo ng brutal talaga ang ginawa sa kanila ng kung sino mang gumawa nito, nakaka-awa silang tignan, ilang oras kaya umiyak ang mga magulang ng mga batang to nang makitang nasa ganitong ayos ang mga anak nila?

parang isang demonyo ang gumawa nito sa mga bata, ano ba naman kasing klaseng tao ang maaatim na saktan nang ganito kalala ang isang minor de edad na mga batang babae?

"Serial killer?" tanong ni Zed kela Inspector

"Yes"

"may lead ba kayo kung sino ang gumawa neto? Suspects? Connection? etc?"

tanong naman ni Nate habang inilalabas sa bag nya ang laptop na palagi nyang dala.

umupo ako sa tabi ni Zoki at sinubuan sya ng isang pirasong strawberry, mukhang gutom na gutom na kasi sya.

"We have a person of interest. It's Xander Natad, nakapatay na ng dalawang babae si Xander at halos magkaparehas ang paraan ng pagpatay nya sa paraan ng pagpatay sa tatlong babae" sagot ni Inspector

nagtaas ng kamay si Nate at nagsalita

"Xander Natad, born on April 21, arrested last year but got release this year due to the lack of evidence against him, works as a substitute teacher at South Pear Academy"

"South Pearl? Diba dyan din galing yung mga babaeng studyante na namatay?"

"Yes Vaughn, at dahil dyan mas tumibay ang hinala namin na sya ang pumatay sa tatlong babae"

"but?" tanong ni Zoki kela Officer Garcia

"but what?"

"You wouldn't come here if you already made that much progress, would you?" paliwanag naman ni Zed

hindi na natago ni Officer Garcia ang excitement nya at napasabing "Ang gagaling nyo talaga!" ng malakas, siniko sya ni Inspector kaya tumikhim sya at bumalik sa pagiging seryoso

"hindi namin mahanap ang location ni Xander, pagkatapos nya kasing  makalaya ay bigla nalang syang nawala na parang bula, pagkaraan ng ilang araw ay nabalitaan nalang namin na may nawawalang studyante na taga South Pearl Academy"

"So tinatanggap nyo ba ang kaso?" tanong samin ni Inspector

ibinaba ni Nate ang laptop na hawak nya habang ibinaba naman ni Zed ang folder na binigay ni Inspector sa kanya

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now