Episode 46- Why can't everything be easy

2.5K 127 20
                                    

[Vaughn]

"saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila nang maaga kaming umalis sa dorm

inayos ni Nate ang salamin nya at tumingin sa'kin "Vaughn do you remember the christmass party where you got shot?"

paano ko naman makakalimutan ang araw na 'yon? Muntik akong mamatay nang pagbabarilin ako ng mga alaga ni Cyanide "Oo tapos?"

"Naalala mo si Ccelle Mendoza?" tanong ulet ni Nate.

"Oo naman, yung may crush sayo 'di ba?"

hindi nya pinansin ang huling sinabi ko, walang pakealam yan sa mga babae, pakiramdam ko kay Brian lang sya may pakealam, natatawa ako sa iniisip ko nababaliw na ba ako?

"Maganda sya diba? Tsaka napansin mo ba ang hilig nya sa penguin?"

"o tapos?"

tinitigan nya ako "hindi mo ba talaga na g-gets?"

parang may nag click na bombilya sa ulo ko "nagets ko na"

"good because I don't want to explain everything, everytime" mataray na sabi ni Zed, para naman kaseng sya yung nag explain eh si Nate naman talaga.

"dito nalang po manong" sabi ni Nate sa driver ng jeep.

naunang bumaba si Zoki, kasunod ko, si Zed panghuli si Nate. By height lang talaga, nauna na si Nate maglakad gaya ng nakasanayan hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Ccelle. Nanay ni Ccelle ang nagbukas ng pinto, wala daw si Ccelle kaya kailangan naming hintayin hanggang bumalik sya, hindi alam ng Nanay nya kung nasaan sya kaya wala kaming ibang choice, sinubukan syang tawagan ng Nanay nya pero unattended naman ang phone nya.

Naghintay kami ng tatlong oras hanggang sa nakatulog na sila Nate at Zoki, si Zed naman ay nakaubos na ng dalawang tasa ng kape, dalawang baso ng orange juice at isang slice ng cake wala parin si Ccelle, unti-unti ng nakakaramdam ng pag aalala ang Nanay ni Ccelle. Hindi pa daw umaabot ng tatlong oras si Ccelle sa labas ng bahay nila nang hindi tumatawag sa kanya liban nalang kung nasa school sya, kaya nga lang wala pang pasok sa school kaya siguradong wala sya sa school.

"wala po ba syang sinabi sayo bago sya umalis?"

tumabi na ako sa Nanay ni Ccelle para pakalmahin sya pero bigla syang umiyak "Bibili lang daw sya ng libro sa book store tapos dadaanan nya si Vina para sa pocketbook na hiniram nya"

"saang bookstore daw po ba? Malapit sa skwelahan?" nag aalalang tanong ko sa kanya. Nagising sila Nate at Zoki at napatingin samin, pero walang nagsalita ni isa sa kanila, mukhang alam nilang may hindi magandang nangyayari.

pagtango ng Nanay ni Ccelle ay tumayo na kami at naglakad papalabas

"Hahanapin nyo ba ang anak ko?"

"malamang po, baka naaksidente na yon hindi na namin makuha ang hinahanap namin" binatukan namin si Nate, buti hindi naman sya tumilapon sa labas

humarap ako sa nanay ni Ccelle "opo, wag na po kayong mag alala mga detectives po kami"

umalis na kami sa bahay at sumakay ng tricycle para mapadali ang dating namin sa bookstore, agad naming tinawagan si Officer Garcia para madali kaming makakuha ng access sa mga cctv's.

Pagdating namin sa loob ay gaya nga ng inaasahan namin ay hindi kami agad pinayagang makapasok sa security room ng kami-kami lang, pagdating ni Officer Garcia ay pinayagan na kaming makapasok sa loob.

Nakita sa labas ng store si Ccelle na hindi mapakali pero agad din syang tumawid sa kabilang kanto kaya hindi na sya natanaw ng cctv.

paglabas namin ng book store ay sya rin'g pagkatapos ng tawag nila Nate at Vina "Kanina pa daw sya wala, akala ni Vina hindi na sya pupunta sa kanila"

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon