Episode 11- Surprise visit and a locked room murder case Part ONE

4.4K 201 32
                                    

[Vaughn]

Naalimpungatan ako sa di malamang dahilan.

Napasulyap ako sa alarm clock na nasa bedside table ko.

5:30

Ang aga pa pala.

Dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog ay naisipan kong mag timpla nalang ng kape at naglakad papunta sa kusina.

Paglabas ko sa kwarto ay may naaamoy akong bagong timplang kape sa paligid.

Nakapatay ang lahat ng ilaw sa sala kaya wala akong makita na kahit ano.

Habang papalapit ako sa switch ng ilaw ay mas lumalakas ang amoy ng kape.

Posible kayang may nakapasok na ibang tao sa loob ng kwarto? Agad kong hinanap ang switch ng ilaw at nanginginig na pinindot ito.

kung may magnanakaw man dito bubugbugin ko talaga s'ya hanggang sa itapon s'ya palabas sa bintana ni Zoki.

Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa akin ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko, gulong-gulo ang buhok niya na tumatakip sa katahating bahagi ng mukha n'ya at may itim na kumot na nakapalibot sa katawan nya.

"WAAAHHH!" MULTO!

"VAUGHN! It's me"

"Z-ZOKI?!"

I blink twice and tried to digest what's happening.

What the bloody hell is happening?!

"Anong nangyari sayo? Ba't ganyan ang ayos mo? May sakit ka ba? what the hell Zoki! Bakit mo ako tinakot ng ganoon?!" sunod-sunod na tanong ko sa kanya

Humugot s'ya ng malalim na hininga, yong katulad ng ginagawa ni Zed bago siya magsimulang sabihin ang deduction nya.

"I need some coffee" seryosong sabi niya.

Naghintay ako ng ilang segundo, nagbabakasakaling may idadagdag pa s'ya sa mga sinabi nya pero hindi na sIya ulet nagsalita, nakatitig lang siya sakin habang nakahawak sa kumot n'ya.

"Yun lang ba ang sasabihin mo?" paniguradong tanong ko sa kanya, tumango sIya bilang pag sang-ayon

"Bumuntong hininga ka pa eh iyon lang naman pala ang sasabihin mo"

padabog akong tumungo sa kusina habang nakasunod naman si Zoki sa likod ko na parang bata.

"Pag iyang kumot nadumihan ikaw ang maglalaba n'yan"

Agad sIyang tumingin sa kumot na nakapulupot sa katawan niya "Malinis naman ang sahig natin diba?"

"Para namang hindi mo ako nakikitang naglilinis ng dorm araw-araw"

Ibinigay ko na sa kanya ang tinimpla kong kape, kinuha ko na rin ang sakin at sabay kaming naglakad pabalik sa sofa.

"So anong nangyari bakit ang aga mong nagising?" Tanong ko sa kanya.

"A monster woke me up from my slumber"

"could you talk a little more humane?"

nagbuntong hininga siya at tumingin sakin "Pupunta dito si Zeena"

parang nabingi ako sa sinabi n'ya.

"A-anong sinabi mo?"

"I said Zeena is coming. The blonde hair monster is coming!"

"WAAAHHHHHH!"

Marahas na bumukas ang pinto ng kwarto nila Zed at Nate.

"What the bloody hell is wrong with you Vaughn?!" Inis na bungad ni Nate

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now