Episode 32- Rock, Paper, Scissor

3.2K 143 36
                                    

[Vaughn]

"uy umayos nga kayo, nakakahiya sa ibang kumakain" saway ko sa kanila.

Nasa canteen kaming apat kasama sila Brian, Abby, Astrea at Scythe. Nasa bandang dulo kami dahil kami ang pinaka-maingay dito.

Malaki ang canteen, kulay puti ang mga dingding neto at airconditioned sa loob kaya hindi kami na-iinitan, kulay pula ang mga upuan at kulay berde naman ang mga mesa. Maraming studyanteng kumakain dito, ma-iingay rin naman sila pero mas nangingibabaw parin ang talas ng dila ni Nate at ang malakas na boses ni Brian.

"Seryoso kasi Nate, ano ba? Hindi ka na ba talaga tatangkad?" pang-aasar ni Brian

"Pak yo, pag ako tumangkad itatapon kita sa ilog!" sinamaan sya ng tingin ni Nate at tinapuan ito ng kutsara. Nakailag si Brian kaya si Zoki ang natamaan.

Napahinto silang dalawa sa pag-aaway at takot na napatingin kay Zoki. Buti nalang at mukhang hindi naradaman ni Zoki ang pagtama ng kutsara sa ulo nya, mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito.

Nakita kong napailing nalang si Zed sa mga pinag-gagagawa ng mga kasama namin.

Katabi ni Zed si Astrea kaya masama ang tingin ni Brian sa kanilang dalawa, kanina pa nito tinutusok ang fried chicken na nasa plato nya

"Abby maawa ka naman sa manok, tama na! wag mo na syang saksakin" parang baliw na sabi ni Brian. Tinapunan sya ni Abby ng tissue habang tinapunan rin sya ni Nate ng isang straw, kawawang bata.

"Bakit nyo ba kasi sya sinama rito? Pwede namang tayo-tayo lang hindi ba?" reklamo ni Abby. Actually, kanina pa sya nagrereklamo kung bakit nandito si Astrea, hindi naman kasi namin pweding iwan si Astrea mag-isa, baka kasi bigla nalang syang pagbabarilin ng mga member ng organization ni Cyanide.

Ibinaba ni Astrea ang kutsara nya at tumingin kay Abby "why are you mad at me? I could'nt remember doing bad things to you, so what the hell is your deal?"

"dikit ka kasi ng dikit kay Zed! magjowa ba kayo? Hindi naman diba?!" parang batang sagot ni Abby.

Agad na hinawakan ni Scythe ang likod ni Abby para pakalmahin ito.

"bakit hindi nalang tayong tatlo magkasundo? total parehas naman tayong mga babae diba?" nakangiting suhesyon ni Scythe. Hindi sumagot sila Astrea at Abby kaya napasimangot si Scythe.

Nang hindi na nagsalita ang dalawang babae ay sila Nate naman at Brian ang nag-ingay.

Napatakip ng tenga si Zed habang si Zoki ay tulog parin, ano bang ginagawa ng batang 'to at ganito nalang sya kapuyat?

May sumigaw sa unahan kaya napatingin kami sa kanya "Kiana look! they're here!" sigaw ng lalaking kulay puti ang buhok. Binatukan sya ng kasama nyang babae, "Wag ka ngang sumigaw, hindi sila mga bingi, pasensya na po kayo" magalang na sabi ng babaeng kasama ng foreigner.

Kumuha ng upuan ang foreigner at sumiksik ito sa pagitan namin ni Nate. "Usog, usog lang po~" nakakatuwa talaga pakinggan kapang nagtatagalog ang mga foreigner.

Nang makaharap ko sya nang malapitan ay doon ko lang napansin na may halong pula pala ang kulay ng mga mata nya, hindi kagaya ng kay Nate na may halong maputlang berde.

Tumabi naman ang kasama nyang babae kela Scythe at masayang nag ku-kwentuhan.

Dahil sumiksik ang foreigner sa'min ni Nate ay hindi kami halos makagalaw, kaya nagkusa nalang si Nate na umusog papalapit kay Zed, bumulong pa ito ng "Fuckin' twit" pero rinig naman namin.

"By the way, Hi! I'm Sean Kiester, and that girl over there is Kakiana Sheir" pakilala ng foreigner.

Nasabi ko na bang parang pamilyar sa'kin ang mukha ng Sean na ito? pero hindi ko lang matandaan, baka nakasalubong ko sya sa school.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon