Episode 2- Poisonous betrayal of Friendship PART TWO

8.7K 334 128
                                    

[Vaughn]



Tinitigan ko ang bangkay, nakayuko ito sa mesa habang nakadilat ang mga mata, hindi masyadong nakakatakot tignan ang bangkay dahil wala namang kahit anong bahid ng dugo ang katawan nya pero parang masusuka parin ako, hindi ako sanay makakita ng bangkay.

Tumingin ako kela Zoki at Nate napakalma na nila ang mga tao sa cafeteria,buti naman, ang sakit kasi sa tenga ng sigawan nila, hindi ko naman sila masisisi kung ganoon nalang ang reaksyon nila.

Sunod ko naman tinitigan si Zed, nakaharap sya sa bangkay at marahang tinititigan ito, lakas ng loob ng lalaking to ah, hindi man lang ba sya natatakot makipag eye to eye sa biktima?

"Hoy Zed bawal galawin ang bangkay ha" Paalala ko sa kanya nang tangkain nyang hawakan ang kamay ng biktima

"Vaughn look at her left index nail" Sabi ni Zed sakin

Lumapit naman ako at tinitigan ang kuko ng biktima

"Mukhang kinagat nya ito" sagot ko sa kanya.

Tumango-tango sya at pinalibutan ang biktima "Mannerism, there's a bitter smell of almond in her nails and lips" Sabi nya habang tinititigan ang buong katawan ng biktima

"Almond?" Tanong ni Nate habang papalapit sya samin ni Zed,kasama nya si Zoki

"Cyanide" sabi naman ni Zoki.

Tumango si Zed at bahagyang hinawakan ang mga labi nya "Yes Cyanide, she was poisoned" Paliwanag ni Zed

Biglang pumasok ang mga pulis sa cafeteria at agad kaming hinila nila Zed papalayo sa crime scene

"Sino sa inyo ang tumawag sa station?" Tanong ng matangkad na lalaki na kasama ng mga pulis.

Itinaas ko ang kamay ko, napatingin naman silang lahat sakin.

"Alam mo bang rinig hanggang sa upuan ko ang boses mo kanina? Nagtataka nga ako dahil nakakarinig pa ang taong sumagot sa tawag mo" Nakakunot noong sabi nya sakin

Napatawa nalang ako sa sinabi nya, ang exagge naman nya "Grabe ka naman po, hindi naman ganoon kalakas yung boses ko"

Tinitinan nya lang ako ng ilang segundo bago tumalikod at tumingin sa paligid.

Parang nakakatakot 'tong lalaking to, hindi man lang ngumingiti habang nagsasalita

"Wala bang gumalaw sa bangkay?" Tanong ulit ng lalaki

umiling sila Zoki at Nate "Sinigurado po namin na walang makakalapit sa bangkay maliban na lang dyan sa lalaking katabi nyo" Sagot ni Nate

Napatingin naman ang lalaki kay Zed na kanina pa hindi nagsasalita sa gilid.

Napatingin sya samin ng makitang nakatingin kaming lahat sa kanya "What?" inosenting tanong nya.

Ayan kasi hindi nakikinig sa usapan, kung saan-saan lumilipad ang isip

"Alam mo bang bawal lumapit sa bangkay? Wala ka bang ginalaw kanina?" Sunod-sunod na tanong ng lalaki

Tinitigan lang sya ni Zed ng ilang minuto bago sumagot "I'm not stupid enough to destroy the crime scene?"

Tatawa sana ako kaso nakita kong lumabas ang isang ugat sa noo ng lalaki

Wahaha ang epic ng sagot ni Zed

Nakita kong nagpipigil rin ng tawa ang dalawang kasama ko sa gilid, kapag tumawa kami ng malakas paniguradong malalagot kami sa lalaking to.

"Kung alam mo naman pala yun bakit lumapit ka pa?" Pigil galit na sagot ng lalaki kay Zed

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now