Episode 34- The Missing Mother Part Two

2.8K 139 38
                                    

[Vaughn]

Narito kaming lima sa dorm, nakaupo kaming apat sa sofa habang nasa couch naman kaharap namin si Samuel.

Nilalaro ni Samuel ang mga daliri nya habang nakatingin kay Zed na tahimik na nakaupo sa tabi ko, ang kamay ay nasa labi nya.

"Strawberry"

Agad kong sinubuan si Zoki ng strawberry, kailangan nyang kumain para hindi sya makatulog.

"May naisip na ba kayo kung nasaan si Mama?" nag-aalalang tanong ni Sam

napalingon ako kay Zed, malamang sya ang sasagot dahil sya lang naman magaling sa'min sa ganito, si Nate nag-hihihintay lang naman yan sa iuutos ni Zed.

"Pakisampal nga si Zed baka namatay na yan sa gilid" sabi ni Nate sa tabi ni Zoki.

napabuntong hininga si Zed "I have assumptions of who might be the abductor, but I'm not in knowledge of your Mom's whereabout" Umayos sya ng upo kaya napadikit ako kay Zoki

"Here goes the detective" sarcastic na sabi ni Nate

Nagpatuloy si Zed sa pagsasalita, hindi nya pinansin si Nate.

"strawberry" sabi ni Zoki.

"Has your Mom been seeing some guys lately? Does she have suitors?"

"Oo, may kakilala akong dalawang lalaking nanliligaw kay Mama" sagot ni Sam

hindi na ako nagulat, maganda si Ma'am Perez, 33 na sya pero mukhang dalaga parin tignan.

may iniharap sa'min na larawan si Sam, dalawang prominenting lalaki.

Isang newscaster ang isa at isang sikat na lawyer naman yung isa pa.

"No, none of them fits my possible description for her abductor"

napatingin kami ni Sam sa kanya, seryoso syang nagsasalita pero hindi sya nakaharap kay Sam, nasa sahig ang mga mata nya.

"the abductor isn't a prominent person, first because the person isn't afraid to be seen in public. Mrs Perez abduction is planned, nevertheless the abductor is reckless and stupid"

tinignan ng maigi ni Sam si Zed, parang hindi ito makapaniwala sa mga pinagsasabi nya pero nandoon parin sa mukha nya ang pagkamangha "Sugurado ka ba?"

sumandal si Zed sa sofa at bahagyang ipinikit ang mga mata

"Nate could confirm my deduction"

Inayos ni Nate ang salamin nya at tumingin kay Sam "He's right, both gentleman's wasn't on the area when Ma'am Perez disappeared"

"pero paano natin malalaman kung di tala--"

"Nasa America silang dalawa mula pa last week" pinutol ni Nate ang sasabihin ni Sam

"Anong ibig nyong sabihin?"

"There's a third suitor, could be the suspect" sagot ni Zoki

"But that picture was just an assumption, but a logical one" sagot naman ni Zed

Tumayo si Zed at sumunod naman si Nate. Nag inat muna si Zoki bago tumayo, yakap-yakap nya ang isang bowl ng strawberries.

"Let's go"

sabay-sabay kaming lumabas ng dorm at naglakad papunta sa bahay nila Ma'am Perez, ewan ko ba kung bakit trip lang nilang maglakad, pwede naman sana kaming sumakay ng jeep.

Pagdating namin sa bahay ay dumeretso kami sa kwarto ni Ma'am Perez at nagsimulang maghanap ng "corny letter" sabi nga ni Zed

"Vaughn, Nate sa basurahan kayo maghanap" utos ni Zed

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now