Episode 5- The flexible thief and A Premeditated Murder.

5.5K 222 59
                                    

[Nate]

Mas nauna akong nagising kesa sa alarm clock, kinusot ko ang mga mata ko hanggang sa lumabo ang malabo ko ng mga mata. great!

Inabot ko ang salamin ko sa gilid ng higaan, pagkasuot ko sa salamin ay biglang naging malinaw ang paligid.

Dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko, sinigurado kong walang ingay na magagawa sa bawat paghakbang ko ayokong magising ang tatlo.

Pagdating ko sa kusina ay nagliwanag ang mukha ko nang makitang walang tao, dahan-dahan kong inilabas sa refregerator ang natitirang slice ng cake kagabi, tinago ko talaga 'to sa pinakasulok ng ref para hindi makita ni Zoki, patay gutom yung lalaking yun eh.

Inilagay ko sa dining table ang cake at bumalik sa kusina para magtimpla ng gatas at kumuha ng tinidor

Nakarinig ako ng mahinang ingay sa kwarto ko pero dahil nakalock naman ang main door binalewala ko nalang ito.

Pagkatapos kong magtimpla ay bumalik na ako sa dining table pagkalapag ko sa gatas ay saka ko lang napagtanto na wala nang laman ang plato na may slice ng cake.

T-Teka!?

NAWAWALA ANG CAKE!

"WAAAAHHHHHHH!"

Sabay na bumukas ang tatlong pinto ng kwarto nilang tatlo

"BAKIT!? BAKIT!? MAY SUNOG BA!?" Nagpapanic na sigaw ni Vaughn.

Napatigil ako sa pagsigaw at tinitigan silang tatlo

Nakabalot parin ng kumot ang katawan ni Zoki habang yakap-yakap nya ang bote ng nescafe na ninakaw nya sa office ni Kuya,

si Zed naman ay dala ang mga libro nya habang si Vaughn ay may hawak na mga damit

Agad akong tumakbo kay Zed "ZED! NAWAWALA ANG PAGKAIN KO! MAY MAGNANAKAW!"

Tinitigan nya ako pagkatapos ay tumingin sa dining table at sumilip sa kwarto ko, then tumingin sya ulit sakin

"Hanapin mo ang magnanakaw please!" I pleaded

Tinabig nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya at bumalik sa kwarto nya "Zed bumalik ka dito!"

Tawag ko sa kanya pero pinagsarhan nya lang ako ng pinto.

"MABAOG KA SANA!" Inis na sigaw ko sa kanya

walang hiya talaga ang lalaking yun.

"Nate saan nagpunta ang magnanakaw!? Anong ninakaw nya!?" Nagpapanic na sabi ni Vaughn habang hawak-hawak ang walis

"Ewan ko tumalikod lang ako saglit then pagbalik ko wala na yung cake!"

"Zoki kunin mo ang isa pang walis sa kwarto ko may hahabulin tayong magnanakaw ng pagkain!"

"tsk!"

Agad pumasok si Zoki sa kwarto ni Vaughn, paglabas nya ay may dala na rin syang walis kagaya ng hawak ni Vaughn.

Kinuha ko naman ang tinidor at hinawakan yun na parang kutsilyo

"Sa kwarto ko ata lumabas ang magnanakaw"

Tumango silang dalawa at dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto.

Pagdating namin sa loob ay wala kaming nadatnan na tao

"LUMABAS KA! IBALIK MO YUNG CAKE KO!" Sigaw ko sa loob ng kwarto

Pinulot ko ang nahulog na picture frame sa sahig

Ito ba yung tunog na narinig ko kanina?

Lumapit si Vaughn sa nakabukas na bintana "Mukhang dito pumasok at lumabas ang magnanakaw"

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now