Episode 8- The Actress disappearing murderer (Deduction)

4K 204 86
                                    

[Vaughn]




Biglang naglakad si Zed papalapit sa table nila Natalie pagkatapos ay bigla naman siyang tumakbo papunta sa direksyon kung saan nandoon ang banyo

"Anong nangyari sa isang iyon?" Nagtatakang tanong ko kay Zoki

Nagkibit-balikat lang siya at saka isinubsob ang ulo sa bakanteng mesa "Gisingin mo nalang ako pagtapos na si Zed magdrama"


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ulet sa kanya pero hindi na siya sumagot at mukhang nakatulog na sa mesa

Batang 'to kalakas-lakas uminom ng kape kung saan-saan naman nakakatulog

"Inspector mukhang wala naman po sa amin ang pumatay kay Natalie siguro naman po pwede na kaming umalis may gagawin pa po kami" Magalang na sabi ni Robert

"Mukhang pwede na naman siguro, tatawagan nalang namin kayo kung may update na sa kaso" Sagot ni Inspector Brealey

Tumayo na silang tatlo at nagpaalam na kay Inspector, pero bago paman sila makaabot sa pinto ay sabay kami ni Zoki na humarang sa dinadaanan nila.

Akala ko ba tulog na ang isang to?

"Hoy umalis nga kayong dalawa d'yan sa pinto" Galit na sabi ni Steven habang sinusubukang makalagpas kay Zoki, pero dahil may sa higante si Zoki ay hindi nagawa ni Steven na makalagpas sa kanya. Lalo na sa akin, hindi niyo man naitatanong pero mas matangkad talaga ako kay Zoki

"Hindi kayo pweding umalis hangga't hindi sinasabi ni Zed" Seryosong sabi ko sa kanila

Hindi ako sigurado pero nararamdaman kong nalutas na ni Zed ang kaso, At siguradong alam din yun ni Zoki.

"Sinabi na ni Inspector na pwede na kaming makaalis dito, tumabi na kayo sa daraanan namin" Kalmado pero pilit ang boses ni Robert habang si Trixie naman ay tahimik lang sa likod.

"Why? Are you afraid to hear Zed's deduction?" Mapang-asar na sabi ni Zoki kela Robert at Steven.

"ABA'T" Iniangat ni Steven ang kamao nya at walang pag-aalinlangang ibinato ito kay Zoki.

Nagulat ako sa nangyari kaya napatitig nalang ako na parang tanga habang hinihintay na dumapo ang kamao ni Steven sa mukha ni Zoki, hindi ito umabo dahil may humarang sa gitna nilang dalawa, nasa harap na namin si Principal hawak-hawak n'ya ang kamao ni Steven na dapat sanang susuntok sa pagmumukha ni Zoki.

"Don't you EVER dare hurt my student in front of me" Nakakatakot na sabi ni Principal habang mas hinigpitan ang hawak sa kamao ni Steven, nang mamilipit ito sa sakit ay doon palang binitawan ni Principal ang kamao nya.

Kaya Idol ko 'tong si Principal eh. Hindi lang pogi matangkad pa, ano kayang nararamdaman ngayon ni Nate no? 


"Ibig mo bang sabihin pwede nila kaming suntukin kung wala ka sa harap namin?" nakapamewang na tanong ni Nate sa kuya niya 

Ngumiti lang ito at napakamot sa ulo niya 


"Mr Cooperfield palagpasin niyo na sila Mr Magno dahil mukhang wala naman sa kanila ang pumatay sa biktim--"

"You are wrong Officer Garcia" Nagulat silang lahat nang biglang magsalita si Zed sa harapan nila.

Ayan na naman sya, bigla-bigla na namang sumusulpot kung saan-saan.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now