Episode 17- Welcome back and A new case

4.1K 180 26
                                    

[Inspector Brealey]

Pagkapasok palang namin ay agad kaming sinalubong ng doctor at nurse, marami na ang dugong nawala sa bata kaya agad nila itong ipinasok sa E.R, ilang sandali pa ay may lumabas na nurse galing sa loob.

"Sino dito ang guardian ng pasyente?"

dahil ako lang naman ang kasama nilang matanda ay ako na ang tumayong guardian muna sa kanila, lumapit ako sa nurse "Ano po bang problema?"

"Sir madaming nawalang dugo sa pasyente kaya kailangan nyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon"

Lumapit samin ang batang nakasalamin "Miss ako po! mag do-donate ako ng dugo para kay Vaughn"

"parehas po ba kayo ng blood type? type O po ang pasyente"

napayuko ang batang nakasalamin at bumalik sa upuan nya, Type B ako kaya hindi ako pweding magsalin ng dugo sa kanya, wala namang contact ang mga batang to sa pamilya ng kasama nila kaya wala kaming matatawagan na kaanak ng biktima.

"type O ako"

Lumapit sa nurse ang batang magaling sa deduction "please hurry"

nabigla ako sa sinabi nya, marunong palang gumamit ng 'please' ang batang to?

biglang nag ring ang cellphone ko kaya tumalikod muna ako sa kanila para sagutin ang tawag

"Hello"

"Inspector hawak na po namin si Carlos Pelos kanina pero ng magkamalay sya ay may biglang bumaril sa kanya, sinubukan naming hulihin ang bumaril sa kanya pero nakatakas eto" sabi ni Garcia.

"Nakita nyo ba ang itsura ng bumaril sa kanya?"

"hindi po Inspector, may maskara pong suot ang bumaril sa kanya. Patay na po si Carlos Pelos"

"Sige Officer bumalik na kayo sa headquarter pagkatapos nyong linisin ang crimescene, magkakaroon tayo ng meeting"

"Roger that Inspector"

binaba ko na ang cellphone ko at bumalik sa mga bata, nakita ko ang nakasalamin na pilit na sumisilip sa loob ng Emergency Room pero nahihirapan sya dahil sa height nya habang ang kasama nya naman ay nakayuko sa upuan at mukhang nakatulog na.

"umupo ka na lang muna dito bata, hindi ka naman pweding pumasok sa loob"

Lumingon sya sakin at bahagyang umiling, pero mukhang napagod na sya kakatayo kaya umupo na muna sya sa tabi ko.

Lumingon sya sa kasama nyang nakayuko at bahagyang napa-iling

"Kahit kailan talaga" bulong nya sa sarili

bumalik ang tingin nya sa pinto ng E.R, mababakas sa mukha nya ang sobrang pag-aalala para sa kaibigan nya.

Naalala ko tuloy ang mga dati kong kaibigan noong nag-aaral palang ako, ganitong-ganito rin ang mga mukha nila noong nahulog ako mula sa puno ng mangga.

"aren't you going to asked questions?"

naputol ang iniisip ko ng biglang magsalita ang katabi ko "Huh?" tanong ko sa kanya

nagkibit-balikat sya pagkatapos ay inayos nya ang salamin nya "Isn't that what police usually do? you know, 'Anong nangyari?' 'bakit kayo nandoon?' 'anong kailangan nyo sa suspect?' something like that?"

"pinaliwanag na ni Zed ang lahat ng mga nangyari kanina kaya wala na kayong dapat alalahanin"

"Nasa kulungan na ba si Mang Carlos Inspector? after what he did to Vaughn he deserves to rot in those dirty smelling prison cell" pinatunog nya pa ang mga daliri sa kamao nya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita "wag na wag lang syang magpapakita samin ulet at baka mabugbug ko lang sya"

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن