Episode 6- The Actress disappearing murderer PART ONE

5.3K 262 48
                                    

[Vaughn]

Malakas na isinarado ni Principal ang pinto at agad nya kaming tinitigan mula ulo hanggang paa

"Wala namang may sugat sa inyo diba?"

Natatarantang sabi nya habang isa-isa kaming hinawakan sa balikat.

Umiling kaming tatlo maliban na lang kay Zed na mukhang hindi nakikinig kay principal

Napahawak sa dibdib nya si Principal nang masigurong walang nasaktan saming apat, pabagsak nyang ini-upo ang katawan nya sa sofa na sya ring inupuan nya kanina bago kami pumunta sa abandonadong kwarto na yun.

"Mabuti nalang at nahila ka agad ni Zoki bago paman tumama sa katawan mo ang pana"

Nag-aalalang sabi ko kay Nate

hindi sya sumagot pero nanginginig syang tumango at bahagyang ngumiti

Alam kong natatakot pa rin sya kahit ilang minuto na ang nakalipas, mas pumutla kase ang mukha nya kumpara sa normal na kulay nito.

kahit naman kung ako ang nasa kalagayan nya manginginig din ako sa takot, muntik na kaya syang masaktan kanina.

Naglakad kaming tatlo nila Zed at Zoki papunta sa kabilang sofa pero hindi gumalaw si Nate sa kinatatayuan nya.

do'n ko lang napansin na wala na pala syang suot na salamin, kaya pala hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya.

Lumapit ako sa kanya at hinila sya papa-upo sa sofa katabi ni Zoki,

habang nasa magkabilang dulo naman kami ni Zed nakaupo.

lumapit ang pusa kay Zed, mukhang gusto nyang magpakarga sa kanya kaya kinuha ni Zed ang pusa.

Umupo ang pusa sa binti ni Zed habang inilalapag nya ang sulat, Lolipop at Pana na nakuha namin mula sa abandonadong kwarto.

"Sino sa tingin nyo ang gumawa nito?" Seryosong tanong ni Principal habang pinapasadahan kami ng tingin.

Walang nagsalita saming apat, tumayo si Principal Nick at pumasok sa kwarto ni Nate, pagbalik nya ay may dala na syang salamin para sa kapatid nya

ang sweet

Tumalon ang pusa mula sa binti ni Zed papunta sa mesa, lumapit sya at inamoy ang lolipop na nasa tabi ng sulat

"No"

Seryosong saway ni Zed habang inilalayo ang lolipop sa pusa, mukhang nagulat naman ang pusa sa inasal nya kaya napatalon ito papunta sa lap ni Zoki.

Nagtataka naman kami sa inasal nya.

"Dude ibigay mo na yan sa pusa, wag kang madamot"

Sinamaan ng tingin ni Zed si Nate "wala akong balak na lasunin si Snow"

"Snow? Sino si Snow?" Tanong ko naman sa kanya.

Itinaas nya ang pusa at inilapit sa mukha ko

"Meet Snow your new daughter"

napahagikhik ako sa sinabi nya, biruin nyo nga naman na ang bilis palang mag-isip ng pangalan ng taong ito. Tsaka paano nya nalaman na babae ito?

"Wow? kailan pa ako nagkaanak ng pusa?"

"It's a miracle" walang kabuhay-buhay na sabi ni Zoki

"Ahem!"

Naagaw ang attensyon namin dahil sa lakas ng ubo ni Principal

"Anong sinasabi mong baka malason ang pusa?" Tanong nya kay Zed

Hinagis ni Zed ang lolipop kay principal

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now