Episode 15- Jeepney Observation Simulation

4.2K 194 124
                                    

[Vaughn]



Pinatunog ni Zoki ang mga daliri nya sa kamay habang nakangiting pang demonyo,

I knew it. Ngayon pa lang naaawa na ako sa lalaking pupuntahan namin mamaya, Sa ngiti palang ni Zoki alam ko na kung anong balak nyang gawin.

Alam nyo naman siguro kung paano magalit si Zoki?

Muntikan na nyang ihagis papalabas ng bintana ng Nate kaya sigurado akong hindi sya magdadalawang isip na gawin din ito sa lalaking dumukot sa kapatid nya kanina.

"Zoki wala kang itatapon sa bintana mamaya maliwanag ba?"

Paalala ko sa kanya habang maaga pa.

Itinaas ni Zoki ang kaliwang kilay nya at ibinuka ang bibig nya, may sasabihin sana sya kaso bigla nalang nyang itinikom ulit ang bibig nya.

Lumingon sya sa kwarto nya kung nasaan ang ate nya at bahagyang bumuntong hininga.

Kahit hindi sila ganoon ka magkasundo ng kapatid nya alam kong malapit parin sila sa isa't-isa.

"So ano? pupunta na ba tayo ngayon sa bahay ng taong 'yan?"

sabi ni Nate habang nakatitig sa litrato ng lalaking naka display sa screen ng laptop nya.

"Nakuha ko na ang location nya, umalis na tayo para maaga tayong makabalik, nagugutom na ako" reklamo ni Nate

Napahawak ako sa sikmura ko ng maalalang hindi pa pala kami kumakain ng maayos.

"Mag titimpla muna ako ng kape"

"Nope, we need to go now or else hindi na natin maaabutan ang taong yun"

Pumasok na si Zed sa kwarto nya at nagbihis ng damit, halos sabay sila Nate at Zoki na lumabas sa mga kwarto nila.

"Ipagda-drive ko na kayo"

pag pe-presenta ni Principal Nick pero tumanggi kami sa alok nya

wala kasing magbabantay kay Ate Zeena dito sa dorm, nag-aalala kami na baka may kumuha sa kanya pag wala syang kasama dito

Lumabas na kami sa dorm at nag-abang ng jeep.

Ilang sandali pa ay may huminto na jeep sa harap namin.

"Oh ang maliit sa unahan" sabi ng driver pagkahinto nya.

"Nate sa unahan ka daw"

Pina-una ko syang makapasok sa loob ng jeep

"Bwisit" bulong nya habang sumisik-sik papunta sa unahan.

Hanggang ngayon talaga hindi pa din nya natatanggap ang height nya, regaluhan ko kaya sya ng cherifer sa pasko?

Pumasok na ako sa loob ng jeep kasunod ko si Zed habang panghuli naman si Zoki.

Ilang sandali pa ay pinagpapawisan na ako, ang init talaga sa loob ng jeep kahit kailan.

mahina kong pinay-payan ang sarili ko habang hinihintay na makarating kami sa pupuntahan namin.

"I'm hungry"

Bulong ni Zoki sa tenga ko habang nakahawak pa sa tyan nya, agad akong lumayo sa kanya, mahirap na baka ako pa makain ng taong to.

"makakakain din tayo mamaya, tiis-tiis lang" panigurado ko sa kanya at bahagyang ti-nap ang balikat nya.

Ilang sandali pa ay biglang nagkagulo sa pinakadulong bahagi ng jeep.

may sumigaw sa pinakadulong bahagi ng jeep ng "HOLDAP TO!" sa gitna ng malalakas na hiyawan ng mga tao.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon