Episode 23- Death of the White Lady (Halloween Special) PART TWO

3.2K 160 81
                                    

[Vaughn]

"Inspector, may nakita daw na lason sa loob ng katawan ng biktima, maaring galing daw ito sa kutsilyong isinaksak sa dibdib nya" Sabi ni Officer Garcia habang ibinababa ang cellphone na hawak nya

"What kind of poison?" Tanong ni Zed habang seryosong nakatitig sa kanya.

mukhang nagulat si Officer Garcia sa inasal ni Zed kaya napatigil ito saglit "Batrachotoxin daw"

"Batrachotoxin" narinig kong bulong ni Zed sa gilid, nagsalubong ang kilay nya at mariin nyang ikinuyom ang kamao nya.

Kapag ganito ang inasal na Zed isa lang ang laman ng isip nya, Si Aston.

Hanggang ngayon wala pa akong kahit na anong alam tungkol sa lalaking 'yon, pero kating-kati akong malaman ang tungkol sa pagkatao nya, kung bakit nya dinukot si Ate Zeena at kung bakit galit na galit sa kanya si Zed, gusto kong magtanong sa kay Zed pero nahihirapan akong humanap ng tyempo, tsaka ayoko namang isipin nya na tsismoso talaga ako.

"May problem ba Zed?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot at tumalikod na sya sakin para maglakad-lakad sa loob ng kwaro.

Sabi ko nga, wala syang problema.

Lumapit sa'kin si Officer Garcia at bahagyang bumulong "Anong problema nya?"

Nagkibit-balikat nalang ako at lumapit kela Scythe at Abby sa gilid "Oh nasa'n si Zoki?" tanong ko sa kanila

"ewan ko sa lalaking 'yon bigla-bigla nalang nawawala, kanina katabi lang naming sya tapos bigla nalang nawala" sagot ni Abby

"Ano daw ba'ng nangyari sa biktima?" Tanong ni Scythe na nakahawak sa braso ni Abby, mukhang natatakot pa sya sa nangyari

"Pinatay daw ang babae, hindi pa naming alam ko kung sino pero sabi ni Zed isa daw sa apat na kausap natin kanina ang suspect"

"nakakalungkot naman isipin na isa sa kanila ang pumatay sa babae, to think na para silang mababait noong nakausap natin sila kanina" mahinang sabi ni Scythe habang nakatingin sa apat na suspect. "Sigurado ba talaga kayo na isa sa kanila ang suspect?" dagdag na tanong nya.

Humarap sa kanya si Abby "Scythe wag kang magsalita ng ganyan, hindi pa nagkakamali si Zed kaya maniwala tayo sa kanya, feeling ko magkamag-anak sila ni Shinichi Kudo kaya maniwala tayo sa kanya" sabi ni Abby na animo'y namamanata, nakahawak kasi ang kanang kamay nya sa dibdib neto at nakapikit pa, pansin ko lang, magkaiba talaga sila ng ugali ni Zed, paano kaya sila naging magkaibigan?

"ah, o-okay? Sino pala si Shinichi Kudo?" nahihiyang tanong ni Scythe, napanganga nalang si Abby habang kinakamot naman ni Scythe ang batok nya.

Ang cute talaga ng babaeng to.

"Scythe si Shinichi yung boyfriend ko, este yung sikat na High School detective, sya yung bida sa manga na isinulat ni Gosho Aoyama na lumiit at nagging si Conan Edogawa, yun alam mo 'yon!? May anime at movie adaptation pa kaya yun" hinihingal na paliwanag ni Abby

Napapalak-pak pa si Scythe ng maalala na nya yung anime na tinutukoy ni Abby, pagkatapos no'n ay nagkwento ng nagkwento si Abby tungkol sa anime tango ng tango naman si Scythe at mukhang seryoso sa pakikinig kay Abby.

Mukhang matagal-tagal pa sila matatapos sa pagku-kwentuhan kaya iniwan ko muna sila doon sa gilid.

Lumapit ako kela Inspector at tahimik na nakikinig sa tabi

"Ilang oras pa po ba kami magtatagal dito?" Tanong ni Katrina

Tumingin si Inspector kay Officer Garcia "Kapag natapos na kaming mag-imbestiga" sagot ni Officer Garcia

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now