Episode 44- The murdered Fiancee case Part II

2.2K 125 40
                                    

[Vaughn]

naging maingay sa loob ng resthouse, madaming mga pulis na naglalakad sa loob, kumukuha ng litrato at naghahanap ng mga ibedensya.

"Inspector iba-bag na namin ang bangkay" sabi ng isa sa mga naka-uniform na pulis.

Tumango ang Inspector na hindi ko kilala at tumalikod na samin.

tumingin si Delbert sa'kin, napa-iwas ako ng tingin at nagsimulang maglakad sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako sa kanya, hindi ko man lang natulungan si Andrea kahit 'yon naman talaga ang pinunta ko dito.

"familiar yung mukha mo bata, nakita na ba kita dati?" sabi ng isa sa mga medical examiner

tumingin sa'kin ang kasama nya at biglang napatango "Sya yung isa sa apat na mga high school detectives diba? Yung nakalutas ng mga mabibigat na kaso?"

napakamot nalang ako ng batok, hanggang dito ba naman may nakakakilala sa'min.

"so ano sa tingin mo ang nangyari sa babae? Sino sa tingin mo ang may salarin?"

"hindi ko pa alam" mahinang sagot ko

tumalikod na ako at naglakad papalabas ng bahay.

Sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin at mga pulis na kumukuha ng photographs.

Anong ginagawin ni Zed pag lumulutas sya ng kaso? Mag iisip sya ng possibilities, pagkatapos?

Nang makarating sa likod ng bahay ay may napansin akong basang bahagi sa likod ng bintana ng biktima, yumuko ako para hawakan ang dahon ng mga halaman sa ibabang bahagi ng bintana

basa.

nagdireretso ako sa paglalakad hanggang sa may napansin akong mali, ilang minuto din akong nakatunganga sa labas hanggang sa napagtanto kong may nawawalang bato ilang metro ang layo mula sa kwarto ni Andrea. Kitang-kita pa ang bakas ng bato sa lupa, nang nagpunta kami ni Anna dito hindi ko napansin ang mga bato dahil sa dilim pero sigurado akong walang nawawalang bato na nakahilera dito nung dumating kami ni Delbert.

Napahawak ako sa ulo ko, naguguluhan ako kung anong gagawin o iisipin ko sa oras na 'to.

kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Nate, sana naman buhay pa sila sa dorm.

Ilang segundo bago sumagot si Nate, naging tahimik na sa kabilang linya pero para namang may lamay dahil may naririnig akong mabilis na nagsasalita na hindi ko naman maintindihan.

"Anjan si Zed?"

"Nasa impyerno"

"seryoso ako Nate, iabot mo sa kanya ang phone"

"Pilitin mo muna ako" bored na sabi nya.

natahimik ang nagsasalita ng pang alien sa kabilang linya.

"What?" malamig na bati ni Zed

"may pumatay sa babaeng pinapadalhan ng death threats"

natahimik ng ilang segundo sa kabilang linya

"tell me the details, I'll listen"

umupo ako sa lupa at nagsimulang mag kwento kay Zed, naka speaker phone daw sya kaya rinig nila Zoki at Nate ang kinukwento ko, naiimagine ko tuloy mga itsura nilang tatlo, malamang nasa sofa sila nakaupo ngayon habang umiinom ng kape si Zoki, naglalaptop si Nate at nakahawak ng libro si Zed.

Nang natapos ako sa pagkukwento ay napabuntong hininga si Zed

"the killer must be wet when he killed the victim"

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now