Episode 21- Snow White's Serial killer PART III

3.6K 192 67
                                    

[Vaughn]


"ABBY! ABBY!" sigaw ng sigaw si Zed pero wala nang sumasagot sa kabilang linya

nagulat kami nang biglang ibinato ni Zed ang cellphone sa sahig "WAAAH! CELLPHONE KO YAN!" sigaw ni Brian "kakabili ko lang neto" hikbi nya habang pinupulot ang sira-sira nyang cellphone

maaawa sana ako sa kanya pero hindi ko muna sya pinansin at lumapit na muna kay Zed para pakalmahin sya "Zed hingang malalim, kaya mo yan hingang malalim"

bigla akong binato ni Nate nang ballpen "Vaughn hindi manganganak si Zed anong hingang malalim ang pinagsasabi mo?"

"Nate wag kang makialam pinapakalma ko lang si Zed"

habang nagtatalo kami ni Nate ay tuloy naman ang pag-iyak ni Brian sa gilid "Yung cellphone ko! Bago pa to!"

"SHUT UP EVERYBODY! SHUT UP!"

Napatakip kami ng bibig dahil sa sigaw ni Zed, ilang segundo ding naging tahimik sa loob ng kwarto at tanging pag-nguya lang ni Zoki ang naririnig sa loob.

"Nate, location?"

"sa eskinita malapit sa Academy"

agad kinuha ni Nate ang bag nya at ipinasok ang laptop sa loob, kinuha naman ni Zed ang jacket nya at halos sabay sila ni Nate na lumabas nang kwarto

"Hurry Vaughn"

hinila ako ni Zoki papalabas at sumunod kela Zed

Bahala na, wala naman sigurong magnanakaw ng gamit sa dorm.

Pagkalabas namin ng gate ay nagdire-diretso kami sa eksinita kung saan dinukot si Abby, may nakita pa kaming ilang patak na dugo malapit sa cellphone ni Abby

mukhang nanlaban sya sa suspect bago sya neto nakuha.

kinuha ni Brian ang cellphone ni Abby sa lapag at humarap samin "Saan tayo pupunta ngayon? saan natin hahanapin si Abby?" nag-aalalang tanong nya

saan nga ba namin hahanapin si Abby? hindi naman kami manghuhula para hulaan kung saan dinala ng serial killer si Abby

walang nagsalita samin, nakatitig lang kaming apat kay Zed na seryosong nag-iisip sa gilid

"kung malalaman lang natin kung sino ang may kagagawan nito" bulong ko sa gilid.

biglang itinaas ni Nate ang kaliwang kamay nya at nakangiting humarap samin "Well Vaughn, kung hindi mo naitatanong kanina ko pa nalaman ang identity ng gagong nasa likod ng patayan"

"No shit Sherlock?" nang-iinis na sabi ni Zoki, sinamaan lang sya ng tingin ni Nate pagkatapos ay iniharap nya samin ang litrato ng isang lalaki mula sa cellphone nya

"A-ANO!? S-Sya ang pumapatay sa mga taga South Pearl" hindi makapaniwalang tanong ni Brian

kahit ako man ay nagulat nang makilala kung sino ang taong ipinakita ni Nate.

ipinaliwanag ni Nate kung sino talaga sya at kung anong totoong trabaho nya habang si Zed naman ay nasa cellphone nya kausap si Inspector, narinig ko pa syang nagsabi ng "tell me more about the details" pagkatapos ng ilang oras ay ibinaba na nya ang cellphone nya ng walang paalam

tsk walang galang talaga ang batang to kahit kailan.

"there are three possible places where he could possibly hid Abby and all his previews victims without being noticed, first the basement at his house which was just an earshot away from the South Pearl Academy" sabi ni Zed habang naglalakad nang paikot-ikot sa amin

"Second is the abandoned building just two blocks away from the Academy, and the third is the rumored Haunted House behind the Academy" Zed continued.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon