Episode 49- END GAME: CHASED

2.5K 129 29
                                    

[Vaughn]




may hangover pa ako mula sa pagsakay sa helicopter, first time kong makasakay sa ganoon kaya hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil halos mahulog ang puso ko sa kaba nang palaging magpagewang-gewang ang helicopter sa taas.

hindi ko alam kung saan kinuha ni Zed ang private helicopter na sinakyan namin at kung sa kanya ba ang malaking bahay na ito.

"Vaughn!" sigaw ni Abby pagkapasok namin. Katabi nya si Zed sa sofa na nakapikit, mukhang tulog ang bata.

ibinaba na namin ang mga gamit na dala namin, actually wala naman kaming masyadong dala kase ang bilin samin ni Zed wag daw magdala ng maraming mga damit at gamit kase hindi naman kami magbabakasyon. Uupo na sana ako sa couch pero biglang tumunog ang tyan nilang apat

gumapang sila Zoki at Nate papalapit sakin at paulit-ulit na nagsabing "Food"

mga batang ito talaga.

"Dito muna kayo magluluto lang ako"

"tulungan na kita" sabi ni Abby sabay tayo sa sofa.

binuksan ko ang ref at napanganga sa dami ng laman sa ref nila. Masyado bang mayaman ang nakatira dito at madaming nakatambak na pagkain sa loob.

"Abby, alam mo ba kaninong bahay 'to?"

"sabi ni Zed sa kanila daw 'to ni Jeovani. Binili nila ito kase malapit sa ampunan na kinalakihan nila. Kilala mo ba si Jeovani Vaughn? Bestfriend sila ni Zed, sila na iyong laging magkasama mula pagkabata, parehas din silang lumaki sa ampunan" paliwanag nya habang hinuhugasan ang mga gulay na inaabot ko sa kanya.

ang yaman naman pala nilang dalawa, biruin nyo hindi pa nga sila nag 18 may nabili na silang bahay.

"kilala ko si Jeovani, naikwento na sya sa akin ni Zed noong una pa" sagot ko sa kanya

"Vaughn, anong nangyayari? Bakit parang malungkot si Zed? Kanina pa sya tahimik" tanong nya

napaisip ako "Palagi naman syang tahimik. Ano bang kakaiba do'n?"

huminto sya sa paghuhugas at humarap sa akin "Alam ko pero, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pero nararamdaman kong malungkot sya Vaughn. Baka guni-guni ko lang 'to pero nag aalala ako tuwing nakikita kong ganyan sya"

malungkot si Zed? Bakit parang hindi naman. Pero naiisip ko rin na magkababata silang dalawa ni Abby, mas marami silang pinagsamahang dalawa, mas kilala nya si Zed kesa sa akin.

binilisan namin ang pagluluto dahil mag aalas dose na, agahan at pang tanghalian na itong hinahanda namin kaya dinamihan na namin ang ulam.

pagdating ng alas dose ay tapos na kaming magluto ni Abby.

habang kumakain kami ay panay ang titig ko kay Zed, hinahanap ko ang nakikita ni Abby pero hindi mo mahanap, ganoon parin naman ang itsura ni Zed, magulo ang buhok, walang emosyon ang mukha at maputla ang balat. Mahirap syang basahin kagaya ni Zoki, hindi kase nila pinalahalata ang nararamdaman nila liban nalang kung sasabihin na nila.

biglang nag angat ng tingin si Zed kaya nabilaukan ako sa gulat "Just take a picture, it'll last longer"

inabutan ako ng tubig ni Abby at nakangiting siniko si Zed.

"Can I puke?" bored tanong ni Nate

"Are you going to eat that?" itinuro ni Zoki ang hipon na nasa plato ni Nate, hindi sinagot ni Nate si Zoki at mabilis na kinain ang hipon at pinandilaan si Zoki. Kinuha naman ni Zoki ang mga ulam at inilayo kay Nate.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now