Episode 14- Zeena's Perpetrator

3.9K 168 25
                                    

[Vaughn]

"Nate, you have his coordinates right?"

Tanong ni Zed kay Nate, tumango si Nate at nagmadaling lumabas sa pinto, patakbo rin kaming nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa may garden.

Inilabas ni Zoki ang cellphone niya at tinawagan ang cellphone ng ate niya, ilang sandali pa ay narinig namin ang malakas na tugtug galing sa may pinakadulong bahagi ng garden.

"FOUND IT!"

Sigaw ni Zoki habang iniwagay-way ang cellphone na hawak niya.

Ini-off ni Zoki ang tawag at iniharap samin ang screen ng cellphone ni Ate Zeena.

"79. You have the third, now you have to do the rest"

Binasa ni Nate ang message na naka display sa screen.

"Anong third?" Tanong ko sa kanila.

Nag shrug lang si Nate habang seryosong nakatitig si Zed sa lupa, si Zoki naman ay nakatitig lang kay Zed.

Biglang napa-angat ang ulo ni Zed "I got it!"

"Really?" Tanong ni Nate.

"Yes, it's C, H and O"

"Anong ibig sabihin n'yan? Tsaka paano mo naman nakuha yang mga letrang iyan?" Naguguluhang tanong ko kay Zed

"For the first two letters he uses Morse Code, tick for 'dot' tock for 'dash' ha for 'dot'" Paliwanag ni Zoki sakin

"At sa pangatlong letter naman ASCII ang ginamit nya" dagdag na paliwanag ni Nate.

Hindi ko maiwasang mamangha sa katalinuhan ng tatlong kasama ko pero hindi ko rin maiwasang maawa sa sarili ko

Nakakabobo talaga kapag matatalino ang mga kasama mo.

Zed has an awesome detective skills and keen observation, Nate is brilliant when it comes to technology at kahit tahimik lang si Zoki mapapansin mo parin ang talino niya pagdating sa ganitong mga bagay, isa pa malakas si Zoki.

Samantalang ako? Palagi nalang akong nagtatanong sa kanila, hindi ko rin masabayan ang pag-iisip nila, Magaling lang ako sa pagluluto at pag-aalaga sa kanila.

Kung titignan mo kaming apat ako lang talaga ang pinaka walang kwenta.

"C, H, O? anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Nate

"Could be a name?" Suhesyon ni Zoki

"Pero location ni Ate Zeena ang hinahanap natin, mas common siguro kung abbreviation ng isang building ang C,H at O" pagsasalungat naman ni Nate.

Mas may sense ang sinabi ni Nate pero parang tama naman ang sinabi ni Zoki dahil wala naman akong natatandaan na building na may ganitong abbreviation.

"Hindi kaya sa labas ng school dinala si Ate Zeena?"

Umiling si Zed "Imposible yon Vaughn, hindi magagawa ng salarin na lumabas ng school kasama ang tulog na si Ate Zeena, to think na inalerto na ni Principal Nick ang lahat ng guards sa school kaya mahihirapan siyang ilabas si Ate Zeena"

"Isa lang talaga ang magagawa ng salarin, yun ay itago si Ate Zeena sa loob ng school"

"Yeah, the question is where did the perpetrator hide neechan?"

Ilang minuto kaming tahimik at pilit na nag-iisip kung anong ibig sabihin ng tatlong letra.

"Wala akong makitang building na may C, H at O na abbreviation" Sabi ni Nate at ginugulo ang buhok nya.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon