Episode 41- Merry Awkward Christmas.

2.6K 147 60
                                    

[Vaughn]

"Zed yung spaghetti, asan ba si Nate? Yung cake baka naubos na nya!"

makulay ang loob ng dorm dahil sa mga palamuti at makukulay na ilaw sa buong sulok ng kwarto. 24 na ngayon mamayang hatinggabi pasko na kaya busy kami ngayon sa pag hahanda ng mga makakain para mamaya. Kaming apat lang nandito mamaya darating si Brian dito daw sya mag ce-celebrate ng pasko kase wala daw syang pamilya, sila Abby at Scythe naman ay sa mga bahay nila mag ce-celebrate ng pasko. Si Astrea umuwi sa America para doon magcelebrate kaya kami kami lang ngayon.

Inayos ni Nate ang mga pagkain sa mesa habang si Zoki naman ay paminsan-minsang kumukuha ng pagkain.

"Merry Christmas!" sigaw ni Brian pagkarating nya, may lumipad naman na cushion sa mukha nya kaya napatawa ako.

"Merry christmas Brian, upo ka na dito"

pagkatapos naming mag ayos sa mga pagkain ay nagpahinga muna kaming apat sa sofa at doon na inantay ang 12 midnight.

Walang christmas tree sa loob ng kwarto kase hassle daw tapos wala namang masyadong regalo kaya sa sahig nalang namin nilagay.

bago paman mag hatinggabi ay may dumating na bisita sa dorm akala ko si Principal pero nagulat ako nang makita kung sino ang nasa labas

"Merry christmas?"

nakatayo sa labas si Aston at Sean, may suot silang pulang na coat at tatlong box na nakagift-wrap.

biglang nagsarado ang pinto "may mga hayop sa labas" sabi ni Nate na syang nagsarado ng pinto

binatukan ko si Nate "Ikaw paskong-pasko pang araw ng mga patay yang bunganga mo"

"seryoso ka papapasukin mo talaga sila? Hindi pa nga tuluyang gumagaling 'yang mga sugat na kagagawan hinayupak na yon"

"pasko naman eh doon ka na nga"

umalis na sya sa gilid at binuksan ko na ang pinto, nandoon parin silang dalawa nakatayo.

Pinapasok ko na sila sa loob, wala daw silang mga pamilya dito sa Pilipinas kaya walang magluluto ng pagkain kaya makikikain nalang daw sila dito.

"Hanggang nasa dorm namin kayong dalawa, wala kayong gagawing delekado maliwanag?"

tumango silang dalawa na parang mga bata, kung di ko lang kilala itong dalawang 'to baka bigyan ko pa sila ng candy.

umupo na sila sa sofa at nakipag titigan kela Zed at Nate, si Zoki tulog tapos si Brian naman ay nakatitig sa kanilang apat habang punong puno ang bibig ng slice bread.

"ikaw yung nasa loob ng building nung nabaril si Mommy Vaughn dib-?

binatukan ni Nate si Brian at sinabing "Wag kang makiki mommy Vaughn ampon ka lang dito"

"A-Ampon lang ako?" naluluha na si Brian. Mga baliw na itong mga batang ito.

"Ugh, Can you adopt me also?" sabi ni Aston.

"mga loko-loko"

tahimik lang si Sean na nanunuod sa kanila, diba maingay din 'tong si Sean? Bakit biglang naging tahimik tapos seryoso?

sabagay, hindi naman sila nag uusap. Nakatitig lang ng masama si Nate at Zed habang nakangiti naman si Aston sa kanilang dalawa.

bumalik na ako sa kusina at inayos na ang ibang kakainin malapit na ding mag alas dose.

pagkatapos kong mag ayos ay ganoon padin ang itsura nilang anim sa sofa.

ay ang galing, naglalaro ba sila ng freezing challenge?

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon