Episode 3- The black flashdrive PART ONE

6.9K 267 76
                                    

[Vaughn]

Hinila ko silang tatlo papunta sa principal's office para isama sila na humingi ng approval para sa club na balak naming gawin.

"What the hell! let go of me!" Nagpupumiglas na sabi ni Zed habang hila-hila ko silang tatlo sa mga kwelyo nila.

Ang dali lang nilang hilahin, lalo na sila Nate at Zed.

"You're either gonna let go of me or I'll twist your fucking hand" Babala ni Zoki habang pinipilit na hindi mabitawan ang hawak nyang plastic cup na may kape.

Binitawan ko naman sya agad bago pa nya magawang baliin ang kamay ko, mahirap na, baka hindi na ako makapagluto.

Nang mabitawan ko na silang tatlo ay tumakbo si Nate papunta sa pinto at malakas itong binuksan

"GOOD AFTERNOON PRINCIPAL NICK!" Malakas na bati ni Nate sa principal pagka-bukas nya ng pinto.

Nakarinig kami ng nahulog na mga ballpen at sunod-sunod na mura mula sa loob, mukhang nagulat si Principal.

Sumilip kaming tatlo nila Zoki at Zed sa loob at nakita namin si Principal na nagpupulot ng mga nahulog na ballpen.

"Nathaniel, hindi ka ba marunong kumatok sa bwisit na pinto!?" Pinandilatan ng mata ni Principal si Nate, pero parang wala lang ito sa kanya

at parang bata na naglakad papunta sa sofa "Principal ba't naglalagay ka ng mga glitters sa loob ng pencil case mo?"

"Nate umayos ka nga, wala ka sa bahay nyo" Saway ko sa kanya

Tinignan ako ng masama ni Nate pagkatapos ay ibinaling nya ang tingin nya kay Zed.

"I know you're siblings" sabi ni Zed.

napatango nalang si Nate.

Naglakad kaming tatlo nila Zed at Zoki papunta sa sofa para tabihan si Nate.

Nang makaupo na kami sa sofa ay sya namang pagka-ubos sa iniinom ni Zoki na kape.

"Brother Nick, may kape ka dito diba?" Tanong ni Zoki kay Principal,

napafacepalm nalang ako nang tumayo si Zoki at maglakad papunta sa cabinet ng office ni principal at lantarang kumuha ng kape at tasa.

Tinignan lang ni principal si Zoki at bahagyang umiling, tumingin sya sakin at umiling

"Vaughn naman! anong ginagawa nyo'ng apat dito?" Tanong ng parincipal habang hinihilot ang sintido nya.

Sa tuwing pumupunta kaming tatlo dito palagi nalang sumasakit ang ulo ni Principal, hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagmumukha namin o dahil sa pag-uugali ng dalawa.

Inayos ko ang pag-upo ko bago sumagot "Hihingi po sana kami ng approval nyo para sa club na gagawin namin"

Tinitigan nya kaming apat at bahagyang itinaas ang kilay nya

"Anong club naman ang gagawin nyo?" Nag-aalinlangang sagot nya

Itinaas ni Nate ang kamay nya at tumayo bago nagsalita "Strip club!" Nakangiting sabi ni Nate

Biglang may lumipad na ballpen galing sa direksyon ng principal papunta sa ulo ni Nate.

Nagkaroon pa ng bahagyang tunog nang tumama ito sa ulo ni Nate, masakit siguro yun.

"Fuck!, nag jo-joke lang naman ako ah, no need for a freakin' brutality" reklamo nya habang kinakamot ang ulo na tinamaan ng ballpen.

"Language Nathaniel" Sinamaan nya ng tingin si Nate bago muling humarap sa direksyon ko

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Where stories live. Discover now