Episode 31- Zed's Disappearance

3.3K 149 21
                                    

[Vaughn]



"Bakit umuusok na naman ang kwarto? Sino na naman ba sa inyo ang nagluto?!" sigaw ko sa kanilang tatlo nang maalimpungatan ako dahil sa amoy ng usok. Ilang araw na ba akong nagigising dahil sa amoy ng usok tuwing umaga? Jusko! nagkakaroon na tuloy ako ng nerbyos dahil sa kanila, paano nalang pagnasunog nila ang dorm? Anong maipang babayad namin sa mga damage?

"Ang aga-aga ang lakas-lakas ng boses mo Vaughn, hindi ba sumasakit ang lalamunan mo kakasigaw?" Reklamo ni Nate sa'kin, sino ba naman ang hindi magagalit kung wala na akong masyadong tulog dahil sa nerbyos sa kanila?

nagkamot nalang ako ng ulo, wala naman akong magagawa kahit magtalak pa ako ng magtalak sa harapan nila dahil hindi naman nakikinig 'yung tatlong 'yun. Kung makikipagtalo naman ako sa kanila hindi naman ako mananalo. Sumasakit talaga ang ulo ko dahil sa kanila, baka tumanda ako bigla dahil sa kanila.

"Dyan lang kayo magluluto na ako ng almusal"

"Uh wait, I already cooked for our breakfast" pagpipigil ni Zed sa'kin. Sya pala ang may gawa ng usok sa kusina kanina "Zed alam mo naman na hindi ka marunong magluto diba, kaya dyan ka na muna para makapasok na tayo sa skwelahan"

napasimangot sya dahil sa sinabi ko, hinayaan ko nalang sya tutal kampante naman ako na hindi sya magagalit. Kagaya din naman kasi sya ni Zoki minsan, walang pakialam sa mga sasabihin ng iba sa kanya.

Dumeretso ako sa kusina at nagluto na, inayos ko rin ang kalat na iniwan ni Zed sa kusina. Ito talaga yung dahilan kung bakit hindi ko sila pinapayagan na magluto, pangit na nga yung lasa, nagkakalat pa sila sa kusina.

Pero kahit ganoon na-aapreciate ko naman ang mga effort nila, at least ngayon binabalak na nilang tumulong sa'kin, kaya nga lang lahat ng niluluto nilang tatlo puro palpak.

pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang mesa at isa-isa silang tinawag, wag nyo pong isipin na katulong ako ng tatlong lalaking 'to, naaawa lang kasi talaga ako sa kanila dahil baka mangangayayat sila sa sobrang gutom.

pumasok sa kusina sila Zoki at Nate, at kanya-kanyang umupo sa palagi nilang inuupuan.

"oh nasaan si Zed? ba't 'di nyo sinama" tanong ko sa kanila.

nagkitbit-balikat lang silang dalawa at nagsimula nang kumain. Wala ba talaga silang balak na ayain si Zed kumain?

"Uy, hindi nyo ba talaga tatawagin si Zed?"

"Malaki na sya Vaughn, pumunta sya dito kung nagugutom na sya" hindi na sya makapag-ayos ng pagsasalita si Zoki dahil punong-puno na ng pagkain ang bibig nya.

tumingin ako kay Zoki, pero nag-iwas lang sya ng tingin. Ang tamad talaga ng lalaking 'to.

Tumayo ako at pumunta sa sala pero hindi ko nakita si Zed. Saan kaya pumunta ang lalaking 'yun? Nakita kong sumilip sila Nate at Zoki sa'kin habang may mga hawak pa na kutsara sa kamay nila.

"Hala ka Vaughn, pinagalitan mo kasi kaya mukhang naglayas na, hala ka Vaughn nagtampo na 'yon" Pang-aasar sa'kin ni Nate.

Bakit naman magagalit sa'kin si Zed? hayaan na nga muna.

"Kumain na kayo para makapasok na tayo, baka sa canteen nalang sya kumain" hinila ko na silang tatlo papunta sa mesa.

Hanggang matapos kami sa pagkain ay wala pa'rin si Zed. Bakit naman kasi lumabas pa yung lalaking 'yon, nag-aalala tuloy ako. Paano nalang pag bigla syang patayin ng mga kalaban nya? paano nalang kung nagkita sila ni Cyanide? Paano nalang kung may kumuha sa kanya pagkatapos ay ibenta sya sa mga Amerikano?

Naputol ang nakakatakot na iniisip ko nang may kumalabit sa'kin "Uy, you looked like you have pee in your pants"

"Zoki sa tingin mo saan kaya pumunta si Zed?" tanong ko sa kanya. Hindi ko nalang pinansin yung pang-aasar nya, kinakabahan talaga kasi ako.

PART TIME DETECTIVES [VENTURES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon