Chapter 1

8.1K 173 16
                                    

September 17, 2017

Bakit ko na naman siya napanaginipan? Sino ba siya? Para siyang isang Mona Lisa na hindi mawari kung malungkot na masaya o masaya na malungkot. Imposibleng galing siya sa panahong iyon. Anong ibig sabihin nito?

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko at nagulat ako nang biglang nag-ring ang phone ko. Alarm lang pala. Bumangon ako, binuksan ang ilaw at umupo sa upuan na nasa tapat ng study table ko. Kinuha ko ang laptop sa table at inopen ito. Kailangan kong alalahanin mabuti ang panaginip ko. Huminga ako ng malalim at napapikit ng matagal. Nasa senses na ako at nag-umpisang mag-type.

Naglalakad ako sa isang kalye na hindi ko pa nakikita o napupuntahan. Napatingin ako sa left side at kitang-kita ko ang asul na katubigan. Mistulang nasa gilid ako ng dagat. May kumalabit sa likod ko at pagtingin ko ay parang namangha ako. Siya na naman. Ang matandang lalaki na payat at kulay silver ang manipis na buhok, hindi nagbago ang kasuotan niyang puting polo at khaki pants. Hindi ako makapagsalita. Kung na-kontrol ko lang ang panaginip na ito, siguro'y natanong ko na kung sino siya. Hindi ito isang lucid dream. May itinuro siya at nang sundan ko ito ay may nakita akong babae na mistulang may kargang baby. Hindi ko na siya tinignan pa at pinuntahan ng mga paa ko ang babae na nakatayo sa kalsada ilang metro lang mula sa akin. Habang papalapit ako ay nag-umpisa siyang mag-hum ng isang lullaby. Sa sanggol lang siya nakatingin. "Salamat sa lahat. Wag kang mag-alala, kasama ko na siya ngayon" sabi niya. Hindi ko alam kung para sa anak niya iyon o para sa akin.Tinalikuran niya ako at naglakad siya papalayo sa akin.

Nag-shift at ngayo'y nasa isang hallway ako ng hospital. Bumukas ang pinto sa kaliwang side na halos katapat ko lang. Lumabas ang isang nurse kasunod ng isang hospital bed na tinutulak ng ilan pang mga nurse. Parang nag slow motion ang lahat. Napatingin ako sa kama. Nakakumot ang pasyente at alam ko na ang ibig sabihin nito. Hindi lampas ang kumot hanggang sa tuktok ng ulo niya. Nakikita ko nang bahagya ang kanyang noo at alam kong babae siya dahil sa haba ng kanyang buhok. Napukaw ang atensyon ko sa nakalagay na hairpin sa kanyang buhok. Isang kulay gintong hairpin na may mga nagniningning na parang mga maliliit na diamonds. Huling lumabas ang matandang lalaki. Kitang-kita ang lungkot sa kanyang muka at siya'y lumuluha.

Bigla ko isinara at itinabi ang laptop ko kahit hindi pa ako tapos. Nakaramdam ako ng sobrang lungkot para sa matandang lalaki sa panaginip ko, sa puntong gusto kong umiyak. Anak or apo niya siguro yung namatay. Pero bakit ko ito nakikita? Namatayan ako ng mga kaibigan sa loob lang ng isang buwan at napakasakit nun, how much more siguro kapag namatayan ako ng anak. Knock on wood! Sana hindi iyon mangyari sa future!

-

"Kuya, okay ka lang ba?" tanong ni Charlie na katapat ko sa dining table.

"Ha?? Ahh, oo." Para akong lutang.

"Wag kang mag-alala, malapit nang umuwi sina Mama at Daddy," nakangiti niyang sabi. Ilang araw nang nasa abroad sina Mama at Daddy para sa isang business conference.

"Mabuti naman kung ganun," pilit ang mga ngiti ko. Pero parang napapalitan ng kalungkutan ang saya. Siguro kapag babae ako, ngayon ang umpisa ng red day ko.

"May problema ka ba, kuya?" ibinaba niya ang kutsara't tinidor at tinignan ako ng diretso. "Tungkol na naman ba ito sa weird dreams mo?"

Tumango ako. Minsan ko nang nai-kwento sa kanya ang matandang lalaki sa panaginip ko.

"Kuya, it's just a dream. Maybe pinaglalaruan ka lang ng subconscious mo."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now