Chapter 32

1.2K 54 14
                                    

1998

Mahalaga ang araw ngayon dahil ipagdiriwang ang ika-isang daang taon na Independensiya ng Pilipinas.

Nagsabit ako ng watawat ng Pilipinas sa tapat ng isang bintana sa ikalawang palapag ng bahay. Mula sa labas ay kitang-kita ito dahil may kalakihan ang watawat.

Nakasanayan na namin ang magsabit ng watawat kapag Araw ng Kalayaan at umaabot ito hanggang sa huling araw ng Hunyo. Pero may mga araw na tinatanggal naming pansamantala dahil sa ulan.

Matapos ang buwan, pumunta sa bahay sina Frank at Greg. Nag-kusa silang tanggalin ang bandila at ibalik ito sa loob ng bahay.

Sinamahan ko sila sa taas at sinabihan ko sila na ayusin ang paghahawak dito.

"Huwag niyong hahayaang sumayad sa sahig ang watawat...hindi 'yan isang simpleng tela lang."

"Alam ko, Lolo," sabi agad ni Frank.

"Talaga lang, ha!" sumbat ni ng kanyang kapatid.

"Pinag-aralan namin yan dati sa-"

"Nag-aral ka pala...tsaka akala ko walang natitira diyan sa utak mo," biro ni Greg.

"Pasalamat ka hindi kita kayang murahin ngayon dahil may hawak akong bandila."

Nang natapos nilang isabit sa pader ang watawat, tuloy pa rin ang pag-uusap.

"Sige nga, Frank, ibahagi mo nga ang nalalaman mo tungkol sa watawat," utos ko sa kanya. Tinignan ni Greg ang kuya niya at natawa ito, marahil siguro hindi siya naniniwala na may napag-aralan ang kuya niyang basagulero.

Itinuro ni Frank ang kulay asul na bahagi ng watawat. "...sagisag ng kalayaan, katarungan at katotohanan." Sunod ang niyang tinuo ang pula. "Kagitingan at kabayanihan...at ang puting tatsulok ay para sa kapatiran at pagkakapantay-pantay."

Ngayon ay nagbago na ang tingin ni Greg sa kuya niya. Maski ako ay napahanga kay Frank. Hindi lang pala talaga puro katarantaduhan ang nasa utak ng batang ito.

-

1999

Ito na siguro ang pinaka-malungkot kong pasko. Masama ang pakiramdam ko at inuubo pa ako. Pero, ang totoong rason ay mag-isa kong sasalubungin ang pasko at ang bagong taon.

Pumunta sina Elena sa probinsiya ng kanyang manugang, hindi makakapunta dito sina Grace dahil sa Cebu sila magpa-pasko at ayaw ko din naman na tanggapin ang alok ni Warlita na dun ako sa kanila, may ubo ako at baka mahawaan ko ang mga bata sa kanila.

May mga nakasabit ngang parol at may nakatayong Christmas tree pero, hindi ko ramdam ang pasko. Napaka-drama talaga ng aking buhay.

Para kahit papaano'y mabuhayan ako, kumanta nalang ako habang tinitignan ang aking munting noche Buena.

"Oh, Holy Night, the stars are brightly shining.

It is the night of our dear Savior's birth.

Long lay the world in sin and error pining

'Till He appeared and the soul felt its worth.

A thrill of hope, the weary world rejoices.

For yonder breaks a new and glorious morn."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now