Chapter 12

1.5K 64 5
                                    

March 2, 1945

Magkakatabi kaming tatlo sa harap ng bonfire sa dati naming pwesto. Nasa gitna ako nina Miguel at Andres. Inaalala namin ang mga araw na kumpleto pa ang grupo. Alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari sa akin dito sa pangalawang pagkakataon.

Kinuha ko ang kwintas ni Marcella mula saking bulsa at tinitigan ito. Pagkatapos ay hinayaan kong muling malaglag ito sa kamay ko. Nakita ito ni Miguel at agad niya itong pinulot.

"Tiago, ito na lang ang pag-asa mo para makabalik," ang sabi niya. Natawa ako dahil naulit ang nangyari dati. Parang pinaglalaruan ko tuloy ang oras lalo na ang mga kasama ko.

"Milagro ang nagdala sa akin dito at yun din ang magbabalik sa akin. Hindi ko na iyan kailangan, Miguel."

"Alam mo, Miguel, mahal niya talaga si Marcella at tuwing tinitignan niya ang kwintas ay naaalala niya ito at nalulungkot ang kanyang puso," ang patawang sinabi ni Andres kay Miguel. Kung hindi lang umitim ang muka ko ay halata na namula ang mga pisngi at tenga ko dahil sa sinabi niya.

"Mahal ko naman talaga si Marcella, eh," sabi ko at hindi ko na napigilan ang kiligin.

"Kaya pala minsan halos isang oras mong pinagmamasadan ang kwintas. Kunwari galit ka sa kanya pero paraan mo lang pala iyon para iwasan ang tunay mong nararamdaman," sabi ni Andres tsaka sila nagtawanan ni Miguel.

"Santiago, kunin mo na lang sa akin ang kwintas ng irog mo kapag gusto mo siyang maalala," ang paalala ni Miguel.

"Irog? Hmmm gusto ko 'yan," giit ko. "Paano kung sabihin ko sa inyo na hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman?" Pinaglalaruan ko na naman sila.

Binatukan ako ni Andres ng malakas.

"Ouch! Para saan iyan?!"

"Para sa duwag mong puso, Salvacion."

Tumawa si Miguel at sinabing, "Pero mas malaking duwag si Andres, Tiago, alam ko."

"Miguel, naman," nanlumo ang muka niya na siyang tinawanan namin ni Miguel.

"Siya nga pala, paano kapag nagkita tayo sa panahon ko?" tanong ko sa kanilang dalawa per okay Miguel lang dapat ito.

Unang sumagot si Miguel. "Siguro bibigyan kita ng regalo."

"Anong regalo at bakit mo naman ako bibigyan ng regalo?" tanong ko.

"Hindi mo lang alam kung paano mo ako natulungan, Tiago. Pwede ko sa'yo ibigay ang baril ni Kapitan Francisco."

Sumingit sa usapan si Andres. "Akala ko'y kinuha 'yan ng isang Amerikanong sundalo...Paano napunta ang baril sa'yo, Miguel?"

"Alam ko na napunta ito sa Amerikano. Nakita ko kaninang tanghali na tinititigan niya ito at alam kong yun yung pistol ni Kapitan. Kakaiba ang baril niya dahil hindi ito tulad ng karamihang baril ngayon. Halata ang kalumaan ng baril lalo na ang naka-ukit sa hawakan na tatlong puting kalapati," paliwanag ni Miguel.

"Anong ginawa mo, pinatay ang sundalo para makuha 'yan?" tanong ni Andres.

Agad na nilingon ni Miguel si Andres. "Tarantado! Bakit ko naman sana gagawin yun?!"

Natawa nalang si Andres. "Alam ko ang mga ugali ng mga Kano, hindi sila basta-basta nagbibigay o nagsasauli ng mga magagandang bagay."

"Ganito, nakipagpalit ako sa kanya."

"Anong ipinalit mo para sa baril," tanong ko kay Miguel.

"Yung singsing ko na-"

"Yung singsing mong ginto?! Alam mo ba na pwede kang matulungan nun para magbagong buhay pagkatapos ng gera? Tanga ka ba?!" gulat na gulat si Andres.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now