Chapter 27

1K 46 2
                                    

1983

Naupo ako sa damuhan at isinandal ko ang aking likod sa katawan ng puno. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paghawak ng hangin sa aking balat.

Ilang minuto ang nakalipas, bigla akong inantok at iidlip na sana ako nang narinig ko ang pagsigaw at pagtawag sa akin ni Grace.

Tumayo ako at nakita ko siyang paakyat sa burol at papunta sa kinaroroonan ko. Mabilis ang kanyang paglakad at wala pang isang minuto ay naka-abot din siya sa puno.

"Sabi ko na nga ba, dito lang kita makikita, Papa," sabi ni Grace tsaka biglang huminga nang malalim.

"Bakit, anak?"

"Papa, totoo ba yung sinabi sa akin ni Mateo...na payag ka nang ikasal kami?" alanganing tanong ni Grace.

Niyakap ko ang aking anak at niyakap niya ako pabalik. "Grace, graduate ka na at may magandang trabaho...oras na para magkaroon ka ng sariling buhay kasama si Mateo."

Ngayo'y magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ko. Masaya ako dahil napalaki ko nang maayos si Grace at ikakasal na siya sa isang lalaking matiyaga at magkakaroon na ako ng apo, at natatakot ako dahil baka kapag may sariling pamilya na si Grace ay baka hindi na niya ako mabisita.

-

Dumating ang kasal nina Grace at Mateo. Kompleto kaming magkaka-pamilya sa okasyong ito. Nandiyan sina Elena at Danilo kasama ang kanilang mga anak at mga apo, siyempre hindi mawawala ang pamilya ni Manong Luis at mga kaibigan ko, at maski ang buong pamilya ni Jerry ay dumalo.

Habang hinahatid ko si Grace papunta sa altar, abot tenga ang aking ngiti pero, gusto kong umiyak at isigaw sa Diyos na gawing bata muli si Grace. Iniabot ko ang kanang kamay ni Grace kay Mateo na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Kamusta naman sana ako?

Masaya ako para sa kanilang dalawa pero, di ko alam kung bakit tulala ako sa misa. At nang halikan ni Mateo ang aking unica hija sa labi, inisip ko nalang na hindi papabayaan ni Mateo si Grace...at nakisabay na rin ako sa palakpakan.

Tulad nung kasal ng aking kapatid, kinausap ko din ng pribado si Mateo at Grace. Sinabihan ko ang aking son-in-law na hindi ako magda-dalawang isip na gulpihin siya kapag sinaktan niya si Grace. At tulad kay Elena, binigyan ko din ng sing-sing si Grace.

Kinabukasan ay nagpaalam muna sila sa amin. Sa Quezon City sila titira at bubuo ng pamilya. May asawa na si Grace kaya hinayaan ko na siya ang mag-desisyon. Nangako siya na papadalhan niya ako ng liham kada buwan.

Naging matapang ako pero, lumuha pa rin ang aking mga mata. Nalulungkot ako ng sobra. Nakasama ko lang si Grace ng ilang taon at mas matagal niyang makakasama si Mateo. Hindi ko alam kung makasarili ako, kaya lang parang hindi patas. Pero, ganito talaga siguro ang buhay ng isang magulang.

-

1984

Isang buwan bago manganak si Grace, nagpadala siya ng telegrama. Gusto niya akong pumunta agad sa bahay nila para ako ang magbigay ng pangalan sa kanilang magiging anak. Laking tuwa ko nang nabasa ko ang kanyang ipinadala.

Bago ako umalis ay humingi ako ng magandang pangalan kay Tatang. "Tiago, kung lalaki ang kanyang anak, pwede ang Douglas o yung idolo kong si Elvis. At kung babae naman, maganda ang Margarita."

"Margarita? Tunog alak yun, eh."

"Pwede yung Maria Pacita Casablanca Rosita Leonor."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now