Chapter 10

1.5K 62 1
                                    

February 23, 1945


Maaga nagising ang lahat para maghanda sa pag-atake sa Intramuros. Pagkatapos ng mabilisang almusal, pinuntahan ko si Kapitan Francisco na nakatayo sa isang sulok.

"Kapitan, pwede po bang hindi sumama sa Intramuros?" tanong ko.

"Bakit naman?"

Kung pwede ko lang sana sabihin na ngayon ang araw kung kalian sila mamamatay ...Ayoko nang makita ang pagkamatay ng mga bata at ni Kap Francisco.

Santiago, bakit?"

"Ahhh kasi po medyo masama ang pakiramdam ko," palusot ko.

Tinignan niya ako ng maiigi at ngmuti na parang isang anghel. "May ayaw ka bang makita?"


Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata. "Kapitan...maswerte po ako dahil nakilala kita....kayong lahat...nang dahil sa inyo, nabago ang dating ako...salamat po..."


Namamasa na ang mga mata ni Kap Francisco at kahit anong pigil niya sa kanyang tunay na emosyon, halata pa rin na malungkot siya. "Santiago, hindi na ako natatakot mamatay dahil magbubunga naman ang pagbubuwis ko ng buhay kasama ng iba...isa kang patunay na nagwagi ang ating lahi at nakamit ng Inang Bayan ang kasarinlan."


"Bilang isang Pilipino na nagmula sa hinaharap ay ako muna ang boses naming lahat, nagpapasalamat kami sa lahat ng nag-alay ng buhay magmula pa nung unang rebolusyon hanggang sa kasalukuyan. Nang dahil sa inyong lahat, nanatiling buhay ang lahing Pinoy sa sumunod na mga henerasyon. Pero, patawad din dahil ang karamihan sa amin ay hindi binibigyang halaga ang mga sakripisyo niyo at...ang mga abusadong Pilipino na ang sumisira ng Pilipinas at pumapatay ng kalahi."


"Ang mahalaga ay hindi na magiging alipin ang mga Pilipino ng mga banyaga..."


Umiling ako. "Kung makikita mo lang sana, Kapitan, ang kalagayan ng mga kababayan natin sa hinaharap..."


"Wala na akong masasabi pa, Tiago. Kaya matatag ang ating lahi ay dahil ito sa mga mabibigat na pagsubok." Hinawakan niya ang aking balikat at ngumiti. "Sumama ka sa Intramuros."


-


Ang lumang Intramuros ay ang natitirang depensa ng mga Hapon, kasama ang Legislative, Agricultural, at Finance buildings.Humiwalay kami ni Kap Francisco kina Miguel at Andres. Pinasok namin ang Intramuros gamit ang malaking butas sa wall sa gitna ng Quezon at Parian gates. Yung ibang grupo naman ay tumawid sa Ilog Pasig gamit ang mga motorboats para umabante malapit sa lokasyon ng Government Mint.


Habang papalapit kami ay lalong lumalakas ang mga putok ng baril at tunog ng mga bomba. Nakakabingi at napakabaho ng paligid. Nagsama ang mga amoy ng nasusunog na goma, naaagnas na bangkay, alikabok at natuyong pawis.


Si Kapitan Francisco ay nasa harapan ko at ramdam kong kalmado lang siya. Karamihan sa pangkat ay mga Amerikano na may dalang mga mas advance na weapons. Karamihan ng mga Pilipino ay tinutulungan ang mga daang daang tao na makaalis ng Intramuros.


Tumigil si Kapitan sa paglalakad at napatigil din ako. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ko sina Isko, Juan at Jose sa kabilang bahagi ng kalye. "Diyan lang kayo!" sigaw ni Kap Francisco na ngayo'y hindi mapigilan ang pag-iyak. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang kanang braso.


Napansin ng isang Amerikanong gerilya ang mga bata at sinabihan niya ang iba. Sinubukan na makalapit sa mga bata pero huli na ang lahat ng biglang na-bomba ang gusali sa tapat nila at natabunan sila ng gumuhong makalumang pader.


"Iskooooo!! Anak ko!!" Tatakbo na sana si Kapitan Francisco nang pigilin ko siya. Nilingon niya ako at sinabing, "Hayaan mo akong makasama ang aking anak. Hanggang sa muli, Santiago Salvacion..." Pumiglas siya at hindi ko nakayanan ang kanyang lakas. Tumakbo si Kap Francisco sa ngayo'y libingan na ng mga bata. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang. Hindi ko magawang pumikiy kaya nakita kong muli ang kanilang pagkamatay.


Nasa gitna siya ng kalsada nang bigla siyang natumba. Natamaan siya sa hita. Unti-unti siyang tumayo at narating ang kinaroroonan ng ngayo'y labi ng kanyang nag-iisang anak. Lumuhod siya at hinawakan ang nakalabas na kamay ni Isko. Napahiga ang kanyang katawan dahil sa muling pagkakabaril sa kanya ng mga Hapon at hindi na muling nakatayo pa. Magkasama na ang mag-ama at sa wakas nasa payapang mundo na sila.


-


February 24, 1945


Umaga na ng makabalik sina Miguel at Andres. Nasiyahan ako dahil hindi sila napano. Ibinalita ko ang nangyari sa mga bata at kay Kap Francisco. Nanlumo sila at di na nakapagsalita.


"Kumain na kayo at magpahinga," sabi ko sa kanilang dalawa at nagpaalam. Naglakad ako papunta sa punong kahoy na yun. Lalo akong naiiyak kapag pilit ko itong nilalabanan, kaya ngayo'y tuloy-tuloy na ang pagpatak ng aking mga luha.


Tumigil ako sa tapat ng puno at humagulhol ako sa iyak. "Tama na, James...maawa ka naman sa sarili mo..."


"Tahan na..." Dahan dahan akong tumayo at hinarap ko ang nagsalita sa likuran ko.


Isang dalagang morena na naka-bestida at naka-suot ng high cut na color dark brown na sapatos. Hindi siya katulad ng mga nakikita ko dito sa kampo na naka-baro't saya at karamihan ay naka-bakya lang. Sa leeg niya ay may nakasabit na rosaryo. May puting hairclip sa kanyang magulong buhok. Si Barbara Sta. Isabel.


Nagpunas ako ng muka at naghabol ng hininga tsaka ko siya kinausap. "Santiago ang pangalan ko..."


"Ako pala si Barbara Sta. Isabel. Isa ka sa mga nagligtas sa amin sa Intramuros. Salamat." Ngumiti siya at parang lalong lumiwanag ang paligid. Nakikita ko sa kanya ang maamong muka ni Marcella.


"Sila ang nagligtas sa inyo at hindi ako," sabi ko. I don't deserve a 'thank you'.


"Kaawaan ka ng Diyos, Santiago."


Nang hindi siya naka-tanggap ng salita mula sa akin ay tumalikod siya at naglakad palayo ng dahan-dahan.


-


Tanghalian na nang muli kong nakita sina Miguel at Andres. Nilapitan ko sila at tinabihan ko si Miguel.


Hinawakan ni Miguel ang braso ko. "Santiago, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong matapang ka-"


"Alam ko, Miguel. May mga kaibigan ako na nagpaintindi sa akin ng tunay na ibig sabihin ng katapangan," tugon ko. Si Miguel at Andres ang nagsabi nun sa akin nung unang beses ko dito.


"Dahil hindi ka natatakot ilabas ang tunay na nararamdaman mo, Santiago. Hindi isang kahinaan ang pag-iyak at ang tunay na matapang lang ang kayang umiyak," pagpapatuloy ni Andres.


"Siyang tunay," sabay naming sabi ni Miguel.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now