Chapter 2

2.7K 93 3
                                    

September 21, 2017

"Yaya, tikman niyo nga po itong fruitcake that I baked." Inabot ko kay yaya ang isang slice sa niluto kong fruitcake na para kay Marcella. May tiwala kasi ako sa mga taste buds ng mga babae eh, pero it's a fact naman na mas magaling magluto ang mga lalaki.

Kinuha niya ito nang may malaking ngiti sa labi. "Naku, parang kelan lang nung-"

"Ya..."

"O sige, loverboy," sabi niya at isinubo ang pagkain. Mabagal niya itong nginuya.

"So?" Excited na ako sa kanyang sagot dahil alam kong it's a compliment.

"Hmmm. Okay na." parang biglang yumanig ang self-esteem ko sa sagot niya. Yun lang!

"I knew it! Sana pinaluto ko nalang inyo."

"Si sir talaga! Ito ang pinaka-masarap na okoy na natikman ko," sabi niya habang may laman pa ang kanyang bunganga. Napa-ngiting aso ako at dali-dali kong inayos ang ibibigay ko kay Marcella my love so sweet.

-

Dumiretso ako agad sa hardin nila Marcella. Mag-a-alas kwatro na ng hapon at ni hindi ko man lang ramdam ang init sa paligid. Umupo ako sa isang upuan at naalala ko si Miguel. Dito niya sinabi ang totoo. Parang kahapon lang nangyari.

Kinuha ko ang phone mula sa bulasa ko at tinawagan ang pinakamamahal ko. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello, James." Kahit sa phone ang ganda ng kanyang tinig.

"Babe, andito pala ako sa hardin niyo ngayon."

"Lagi mo nalang ako binibigla. Bakit ka nandyan?!!" What kind of question is that?! Mga babae talaga oh.

"Basta punta ka na dito at gusto na kitang makita!!" pagalit kong sabi.

"May regla ka nanaman nuh? Papunta na po!"

"Wait! May request ako bago ka bumaba diyan sa kwarto mo, babe."

"Ano yun?"

"Pakisuot mo yung gagamitin mo sa presentation niyo bukas."

"Bakit naman?"

"Basta. Please....."

"James naman!" at binabaan ako ng phone. Kailan niya kaya ako tatawaging "babe"??? Pagkatapos kong binaba ang phone ko sa mesa ay agad kong kinuha ang high quality kong Barong Tagalog mula sa aking bag. Naka-white shirt at slacks akong pumunta dito kaya ang gagawin ko nalang ay isuot ang Barong Tagalog. Papunta ako sa back door para abangan si Marcella nang bigla itong bumukas. Lumabas ang isang magandang babae na naka-Filipiniana at may hawak na pamaypay sa kanang kamay. Isang napakagandang bulaklak ang nakalagay sa kanyang nakapusod na buhok. Walang nakalagay na kolorete sa kanyang maamong muka. Ang kanyang magandang morenang balat ay nababalot ng kulay ng bandila ng kanyang bayan. Para siyang isang nawawalang prinsesa na ginagabayan ng constellation ng tatlong bituin.

"Ang ganda mo, Marcella." Hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mga labi. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaliwang kamay.

"Hindi mo naman kailangang mamula eh. Haaay, kay gwapo ng lalaking kaharap ko ngayon."

Sanay na akong nasasabihan na gwapo ako pero iba ang dating kapag ang mahal mo ang nagsabi nito.

"Marcella, sorry kasi hindi ako makakapunta sa presentation niyo sa theater bukas. Di ko akalain na matatapat ito sa Art App. Kaya naisipan ko na sayawin mo ang folk dance ito nang kasama ako."

Tumawa siya at sinabing, "Alam mo ba yung steps?"

Don't you ever challenge me, young woman.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें