Chapter 22

1.1K 47 0
                                    

 Manila, 1950

"Santiago, pangatlong araw mo na dito sa Manila at tatlong araw ka nang hindi lumalabas ng bahay," bungad sa akin ni Tiya Dolores pagkababa ko ng hagdan.

Ngumiti ako at tinabihan siya sa dirty white na sofa. "Tiya, tatlong araw na po ako dito at hindi niyo pa rin sinasabi kung bakit niyo ako –"

"Ang totoo niyan, hijo, napag-planuhan namin ito ng kapatid ko sa mga nauna kong mga liham at telegrama sa kanya..."

"Tapos?"

"Naisip ko na dumito ka muna sa Maynila at baka sakaling dito ka makahanap ng nobya," pagpapatuloy ni Tiya nang may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.

Natawa ako sa sinabi niya. "Seryoso, Tiya?!"

Tumango siya at biglang naging seryoso ang kanyang muka. Lalo kong napansin na magkahawig talaga silang dalawa ni Nanang, maliban sa isang malaking nunal sa kanyang baba.

"Tiya, may nobya naman po ako, eh-"

"Talaga?!" sigaw ni Tiya na siyang ikinagulat ko.

"O...opo...Tiya..."

"Sino? Nasaan siya?" mabilis na tanong ni Tiya.

Napatingin ako sa nakabukas na bintana sa tapat at napa-isip. Nakakalimutan ko na naman na ako si Santiago Castañeda at hindi si James Salvacion...kaya hindi ko nobya si Marcella.

"Tiago..."

Tinignan ko si Tiya Dolores. "Pasensya na po...biro ko lang iyon, Tiya."

Pinalo niya ako sa kaliwang braso ko at medyo nagbago ang tono ng kanyang boses. "Ikaw talaga!! Umalis ka muna dito sa bahay at mamasyal ka sa labas!"

"Tiya, mas gusto ko dito sa loob ng bahay. May phonograph dito at nagustuhan ko nang pakinggan yung mga lumang kanta," sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya para hindi na siya magalit.

"Anong lumang kanta? Bago ang mga plaka dito, Tiago, at ibig sabihin nun ay wala pang isang buwan ang mga awitin na napakinggan mo," pagpapaliwang ni Tiya.

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Tiya para matapos na ang usapan.

"Tiya, anong oras po uuwi si Gervancio? Hiramin ko sana yung sasakyan niya."

"Naku, mamayang alas-singko pa. Bakit, aalis ka ba? Saan ka pupuntaa?" Muling sumigla ang pagmumuka ng aking Tiya Dolores.

"Sa Intram-"

"Sa Intramuros?!! Anong gagawin mo dun, Tiago? Alam mo ba kung ano ang kalagayan ng lugar na 'yan ngayon?" Huminga nang malalim ang katabi ko. " 'Wag kang pumunta sa Intramuros," tutol ni Tiya.

"Tiya, papayagan mo ako o dito nalang ako sa loob ng bahay?"

-

Sumakay ako ng jeep papunta sa Quiapo Church. Wala man lang heavy traffic sa kalsada. Pagkababa ko sa babaan na nasa gilid ng simbahan ay napangiti ako sa nakikita ko ngayon.

Napaka-linis ng paligid ng simbahan, hindi masyadong matao at maayos tignan ang mga pumupunta dito, walang mga batang pakalat-kalat at namamalimos, walang mga bangketa at pakiramdam ko'y walang mandurukot.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now