Chapter 30

1.1K 53 2
                                    

1992

Manila

Nung nakaraang dekada, halos magkapareho ang hairstyles ng mga babae at lalaki, at ang ayaw ko sa 80s ay ang neon-colored na mga damit at hairsprays. Ngayon naman nauuso ang above the knee na maong at maluluwang na shirts na tina-tuck in, at syempre in na in ang mga kabataan dito. Ang karamihan sa mga magulang ay gusto ang cachupoy sa kanilang mga anak na lalaki, parang may bunot tuloy sila sa kanilang mga ulo.

Habang nagsasalamin ako, hindi ko maiwasang hindi purihin ang aking bigote. Kahit 68 years old na ako, malago pa rin ang aking nakaka-manghang bigote. Napansin ko din na hindi talaga kumupas ang pagiging gwapito ko.

"Papa, baka biglang mabasag 'yang salamin, ah!" Pumasok siya sa nakabukas na pintuan ng aking kwarto.

"Tumahimik ka nga, Mateo!"

Inilapag niya sa kama ang ilang natuping polo. "Naku, Pa, kamuka mo pa rin si Eddie Gutierrez," pabiro niyang sabi.

"Oh, no! Mas pogi ako sa kanya, nuh!"

"Haaay...Old habits die hard. Mali pala! Old habits reappear."

Ang hindi nakaligtas sa aking paningin ay ang medyo kulubot kong balat. "Tsk!" Ngumiti ako at lalong ipinamuka sa akin ng salamin na matanda na ako.

Napabuntong-hininga ako. "Well, that's the saddest part of life...getting old and older every day."

Paglabas ko ay nakasalubong ko si Marco. Pawis na pawis at may hawak na bola ng basketball. "May date ka, Lolo?" tanong niya nang pabiro. "Ingat ka, Lolo!"

"Marco, mag-pagupit ka nga ulit...ang sarap ilampaso yang buhok mo," sabi ko nang mapansin ko ang kanyang buhok.

-

Nasiyahan ako nang makita ko ang malaking pagbabago ng Intramuros. Nag-umpisa ang pag-aayos ng lumang syudad sa panahon ng panunungkulan ni Marcos at nang mabuo ang Intramuros Administration.

Habang binabaybay ko ang kalye ng Victoria, biglang nanakit ang mga tuhod ko. Napahinto ako sa paglalakad at sumandal sa pader ng isang gusali.

May babaeng tumigil sa tapat ko. "Lo, ayos lang po ba kayo?" tanong niya. May kung ano sa boses niya na nagpatayo ng aking mga natitirang balahibo.

Tumango ako at nginitian ko siya.

"Dapat po may payong kayo o sombrero man lang, napaka-init ng panahon ngayon. Kung gusto niyo ho, sumama muna kayo sa building ng opisina namin. Isang kanto lang ang layo mula rito, tsaka mas malamig doon," sabi niya at tinulungan niya akong balansehin ang aking katawan.

Hindi na ako nakatanggi pa dahil mainit talaga at baka hindi ko na kayanin.

-

Hanggang sa lobby lang ako pero, sinamahan niya ako. Bumili siya ng meryenda naming dalawa.

"Ang bait mo, hija. Mga tulad mo ang tunay na nagpapaganda ng mundo," sabi ko sa kanya nang inabot niya sa akin ang isang ensaymada. "Salamat."

"May tatay po kasi ako at halos kasing edad niyo siguro siya. Minsan ay nahihirapan na siyang maglakad, kaya alam ko ang sitwasyon ng nakatatanda, at aabot din naman po ako sa ganyang lagay," tumawa siya pero, may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ba't po wala kayong kasama?" tanong niya.

"Mas gusto kong mag-isa kapag pumupunta dito, hija," sagot ko.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora