Chapter 3

2.5K 81 1
                                    

September 22, 2017

Nagising at nagulat ako dahil sa isang putok ng baril. Bigla akong napaupo sa kama at naghabol ng hininga. Panaginip lang pala. Pinikit ko ang aking mga mata at muling binalikan ang aking panagini bago ako nagising. Pinilit kong alalahanin lahat ng bawat detalye.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga kaibigan ko at ang isang ako na nagkwekwentuhan sa palibot ng bonfire. Isinuot ko ang balabal at tinahak ang daan papunta sa ilog. Naupo ako sa isang banda at nagmunimuni. Tumayo ako at nilibot ang kampo at ang ilog, pero hindi ko makita ang kung ano man ang hinahanap ko. Hanggang sa mamataan ko si Diego na papasok sa isang kwarto na mistulang isang armory room. Nahagip din ng mata ko ang isang lalaki na naka-suot ng pang-pari at may suot na straw hat. Not a good combination. Tinitignan niya ang paligid habang mabilis na naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Diego. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Binilisan kong gumalaw. Mabilis ang pangyayari at ngayo'y nasa likod na kami ng gusali at walang tao sa paligid. Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kanyang braso at agad niya akong hinarap.

"Bakit mo ba ako kinaladkad at-"

Tinanggal ko ang aking balabal at natigilan siya. Tinanggal niya ang straw hat na nakasuot sa kanyang ulo.

Nagtagpo ang mga mata namin. Mistulang isang salamin ang nasa harapan ko, maliban sa suot na damit.

"Ako si James, ikaw si James at ang kasama ng mga kaibigan natin ay si James," sabi ko sa kanya ng mahina. "Sa tingin ko ay iisa lang tayo."

"Hindi ko maintindihan? Ano ba itong nangyayari? Posible ba ito?"

"Alam mo na ang sagot."

"Paano ka napunta dito?" tanong niya at mukang natutuliro na siya. Hindi na niya ako hinintay na sumagot at agad niyang sinuot muli ang sombrero. "Wala na akong oras pa. Magkita nalang tayo mamaya kung may pagkakataon pa."

"Itigil mo na ang binabalak mo! Parang awa mo na, tanggapin mo na ang mga nangyayari. Huwag mo nang baguhin ang mga bagay na tapos na!"

"Kung iisa lang tayo, bakit hindi mo naiintindihan ang lahat?! Muli akong napunta sa lugar na ito dahil may misyon ako at yun ay para iligtas sila! Magtulungan tayo. Gawin nating payapa ang mundo gamit ang nalalaman natin mula sa panahon natin. Hindi na kailangan pang magkaroon ng massacre-"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang sinuntok ng malakas sa muka. "Tuso ka rin nuh! Malaki ang impact sa future ng gagawin mo! Alam mo ba kung bakit ako nandito, ha?! Para pigilan ka sa mga gagawin mong kabaliwan."

Hindi niya ako binalisan at sumandal lang sa pader. "Kabaliwan? Kabaliwan ba ang tawag dun? Alam mo rin ba kung bakit ako nandito?"

"Dahil naging mahina ka. Hindi mo inisip sina Mama, Daddy, Charlie at Marcella. Dahil sa sobrang pagsisisi at pagkadesperado mo kaya ka napunta dito. Sa tingin ko ay produkto ka lang ng matinding kalungkutan!"

Tumawa siya at nagdura ng dugo sa sahig. "How about you? Huwag mong sabihin na ikaw si "James Salvacion", dahil andun siya kasama ng mga kaibigan ko na kailangan kong iligtas."

Bumunot ako ng baril. Itinutok ko ito sa kanya. Nagdidilim na ang paligid at ramdam ko ang malakas na hangin na amoy dugo.

Hindi siya nagpakita ng takot. "Hindi ko pagsisisihan ang lahat..."

"Isa lang ang matitira sa ating tatlo," sabi ko ng mahina pero pa-galit.

Nagulat siya sa sinabi ko. Sa di malamang dahilan ay tinanggal niya ang damit ng isang pari na nakapatong lang sa kanyang totoong damit. Ang damit na galing pa sa panahon namin. Ang damit na isinuot ko nang una akong mapunta sa ibang panahon. Mabilis siya at nakita ko na lang na may baril na siyang hawak at ito'y nakatutok sa akin.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now