Chapter 35

1.3K 65 33
                                    

Sa katulad kong hindi alam kung paano tahakin ang totoong daan pauwi, masaya na ako na muling nakarating sa bahay na tinawag kong tahanan. Tahimik ang bahay dahil matagal nang umalis dito sina Paulo at lumipat na sila sa Bataan.

Dahil sa katandaan ay nagpahinga muna ako sa aking kwarto at nilasap ang katahimikan ng barrio. Ibang-iba talaga dito kaysa sa ciudad na hindi marunong tumahimik sa oras ng siyesta. Ang malamig at sariwang hangin na pumapasok mula sa mga bintana ay parang hinahaplos ang aking balat at nagagalak na muli akong nakauwi. Nakatulog ako na ang lullaby ang tunog ng hangin at nagsasayawang mga dahon.

-

Alas-kwatro nang ako'y muling nagising. Nag-ayos ako ng sarili at bumaba para magmeryenda. Hindi ko na ginising si Greg na nakanganga habang natutulog sa sala. Pagkataos ko mag-kape ay kinuha ko ang aking sombrero at tungkod.

Nilakad ko ang daan papunta sa lagi ko dating tinatambayan...sa ilalim ng punong kahoy na nasa taas ng burol. Sana hindi ako mahirapan sa pag-akyat sa burol.

Nasa kalagitnaan palang ako ng pag-akyat ay hinihingal na ako at sumasakit na naman ang aking mga buto-buto. Ngumiti ako at tinignan ang punong kahoy na aking natatanaw. "Tumangkad ka at ako nama'y medyo lumiit...Puno ka lang pero na-miss kita."

Tinuloy ko ang pag-akyat kahit mabagal ang aking pag-hakbang. Nang makalapit ako sa puno ay napahawak ako sa kanyang katawan at huminga nang malalim. Tinitigan kong mabuti ang katawan ng puno at muli kong nakita ang mga inukit kong pangalan bago ako nagpunta sa ciudad ilang taon na ang nakalilipas. Hinawakan ko isa-isa ang mga pangalan. Diego, Gabriel, Herrerias, Kapitan Francisco, Isko, Juan, Jose, Andres, Tiyo Tomas, Eliseo, Nanang, Tatang, Manong Luis... Ang mga taong ipinahiram sa akin ng Diyos na nagbigay ng kahulugan sa aking buhay. Dinagdagan ko ang mga pangalan. Gervancio.

Sumandal ako sa puno at muli kong nakita ang napakagandang tanawin na puno ng mga gintong palay at mga matatayog na bundok na bumabagay sa asul na kalangitan na may bahid ng palubog na araw. Lahat ng ito'y pag-papaalala sa akin na isa na rin akong palubog na araw. Tumingala ako at napaluha.

"Ang haba ng buhay na ibinigay mo sa akin...kay daming pighati at kasiyahan ang ipinaranas mo sa akin...ang mga pinadaan mong mga tao sa aking buhay ay nakita kong mawala at kahit na napaka-sakit, nagpapasalamat pa rin ako sa Inyo. Madami pa siguro ang makikilala ko at mararanasan pero, pagod na pagod na po ako... Diyos ko, nung simula palang ay pagod na ako at alam kong alam Mo 'yan...Gusto ko na rin pong magpahinga..."

-

"Lolo, naka-handa na po ang hapunan," sigaw ni Greg mula sa kusina.

Tumayo ako at pinatay ang radyo. "Papunta na."

Habang kumakain kami ni Greg ng tinola, na-banggit niya ang tungkol sa mga nakasulat sa kwaderno.

"Lolo, naaalala ko pala yung tungkol sa sinusulat niyong kwento. Tapos niyo na ba? Antagal mo nang sinusuat yun ah."

"Malapit nang matapos." Uminom ako ng tubig mula sa baso at tinignan ko siya. "Greg, naniniwala ka ba sa – "

"Time travel?" mabilis niyang tanong. Hindi na niya ako hinintay magsaita. "Alam mo, Lolo, naniniwala ako pero hindi gaano. Pero, siyempre kailangan ng time machine di ba? Imposibleng gawa lang ng milagro o ano pa man."

Medyo natawa si Greg. "Hindi naman siguro parang katulad ng movie na Midnight in Paris, na mapupunta ka nalang sa 1920s tapos makikilala mo pa yung mga sikat na writers at artists, o kaya yung Taiwanese movie na Secret, yun ata yung babaeng nakapag-time travel dahil sa lumang music sheet at piano."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now