Epilogue

1.4K 70 13
                                    

Makalipas ang sampung taon...

Pumasok si James sa kwarto ng kanyang limang taong gulang na anak na mahimbing na natutulog. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang anak at ginising ito.

"Good morning, Andres, gising na..."

Bahagyang iminulat ni Andres ang kanyang mga mata, pero muli niya itong isinara. Para hindi ulit makatulog ang kanyang anak, binuhat ni James si Andres.

"Naantok pa 'ko, Daddy," mahinang sabi ng bata at tsaka niya inilapag ang kanyang noo sa balikat ni James.

"Nakauwi na si Mommy mo," balita ni James sa anak.

Nawala ang antok ni Andres nang marinig niya ito. Tinignan niya ang kanyang ama at sabay silang napangiti.

Pumasok sila sa kabilang kwarto at tsaka ibinaba ni James si Andres. Tumakbo ang bata papunta sa kanyang Mommy na ilang araw din niyang hindi nakasama. Niyakap niya ang kanyang Mommy na nakaupo sa gilid ng kama. Pero, natigilan si Andres nang napansin niya ang nakahiga sa gitna ng kama. Natawa ang mag-asawa sa naging reaksyon ng kanilang panganay.

Umupo si James sa paanan ng kama at tinignan si Andres. "Siya ang baby sister mo, Andres...isa ka ng kuya."

Tinabihan ni Andres ang kanyang kapatid at hinawakan niya nang dahan-dahan ang pisngi nito. "Hello, baby sister," bati niya nang nakangiti. Tinignan niya ang kanyang Daddy at tinanong kung ano ang pangalan ng kanyang baby sister.

"Grace," mahinahon niyang sagot.

Tumayo si Marcella at pumunta sa pwesto ng kanyang asawa. Niyakap niya si James at niyakap naman siya pabalik.

"Salamat, mahal...maraming salamat sa lahat," sabi ni James sa taong nagmahal, umintindi at naniwala sa kanya. 

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu